Chapter 1 - She Who Loves

153 20 54
                                    

AYU'S POV


"Ano? Naimpake mo na ba lahat ng gamit mo? Wala ka bang nakalimutan?" tanong sa akin ni Mama habang pinagmamasdan ako na sinasalaksak yung mga damit ko sa maleta ko.

"Wala naman siguro po." sabi ko habang busy ako sa pag sara sa ng hihimutok na maleta ko. If only may isa pa akong paglalagyan ng damit.

"Hay naku, Ayu. Tigilan mo na yan at ilagay mo na lang yung iba sa ibang maleta." Mama. I frowned while looking at her.

"Pero, Ma. Alam mo naman na heto lang yung maleta na meron ako and I've been using this since highschool." Ako

"Ay hindi. Sa iba mo na ilagay yan." Pagpupumilit ni Mama.

"No, Ma. Ok lang ako." Pinipilit ko pa ding masara yung maleta ko up to the point na upuan ko na yung takip para lang maisara ko siya ng maayos.

Napahilamos naman si Mama.

After a few good seconds of struggling, sa wakas. Naisarado ko na din siya.

Napatingin naman si Mama sa orasan. Its 3 am in the morning. Tama kayo, madaling araw pa lang guys.

"Tara na, Ayu. Baka iwan ka nung bus niyo." Sabi ni Mama at kinuha niya na yung maleta ko at ibinaba patungo sa sala.

Pasaway talag hetong si Mama, kabilin bilinan pa naman sa kanya ng doktor na wag muna siya nagbububuhat ng mabibigat pero look at how she's carrying my luggage. Hay pasaway.

Pero sabagay kanino ba ako magmamana kundi sa kanya lang din naman.

Pagbaba namin ay nakita ko naman si Kuya Adrian na iniaayos yung iba kong gamit at mukhang ipinaghanda pa niya ako ng makakain ko sa biyahe.

"Ano ready ka na ba? Wala ka na bang nakalimutan?" Tanong niya habang kinuha niya kay Mama yung maleta ko at tinulungan niyang ibaba ito katabi ng iba ko pang mga bagahe.

"Ok na ako, Kuya. Wow. Nagluto ka? Thanks." Sabi ko habang pinapanood ko siya na ilagay yung lunch box sa bag pack kom

"Alam ko naman na PG ka at hindi ka makakasurvive sa biyahe ng walang nginangata kay ipinagluto kita. Ah, tapos binilhan din kita ng mga snacks just in case." Ngumiti siya sakin.

Without thinking twice ay niyakap ko siya. Isang mahigpit na yakap.

"I love you, Kuya! The best ka talaga! Promise, babawi ako sayo someday." I said habang nakayakap sa kanya na parang koala na nakayakap sa puno. Kahit sinabihan niya ako ng PG, mahal na mahal ko yan.

"Ayu, kadiri ka bitawan mo ako." Kuya Adrian

"I love you too, Kuya." Ako. Napailing naman siya obvious naman na na-touch siya sa sinabi ko.

"Oo nga pala, May ginawa pa akong isang lunch box diyan. I-share mo na lang yun dun sa kaibigan mo." Kuya Adrian.

Tumango ako tapos ginulo ni kuya yung buhok ko.

"Mamimiss kita kahit PG ka, Ayu." Kuya.

"Eh yung ka kyutan ko di mo mamimiss?" Tanong ko with matching beautiful eyes.

"Ulol ka, Ayu." Kuya. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Hephephep. Kayong dalawa tama na yan. Ayu, mahuhuli ka na. Adrian, tulungan mo siyang ilabas yung mga gamit niya." Mama. Agad naman kaming kumilos sa sinabi ni Mama.

"Magingat ka ha. Pagdating mo dun tumawag ka agad. Alam kong maraming pagkain dun kaya wag kang magpapalipas ng gutom." Sabi ni Mama while she fixes my hair. I smiled and hugged her. Mamimiss ko talaga ng sobra si Mama.

Once Again #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon