Chapter 4 - He Who Came From Japan

54 6 2
                                    

AYU'S POV

"Welcome sa Sun Dormitory!" Sabi ko kay Ally, my new roomate as we made our way sa girls dorm ng College of Performing Arts.

Iniwan na namin sila Yohanne at nung iba sa lobby ng Perf Arts building kasi aantayin pa nila si Tanders.

"Wow! Ang laki. Ibang iba sa dorm nung school ko dati sa Seoul!" Manghang-manghang sabi ni Ally habang pinagmamasdan ang panlabas na arkitektura ng dorm.

I smiled happily. Alam niyo yun guys, nakakaproud kasi puring puri talaga ang NCU. Well, what can I say? We are world class.

Anyway, parang vintage style hetong dorm namin gayundin sa moon dormitory or ang boys dorm na nasa kabilang side.

Para siya yung mga makalumang mansion sa europe, kaya lang nasa asia tayo. Haha.

Habang papalapit kami sa may gate ng dorm ay mayroong pila papasok. Pila ito papunta sa gatekeeper ng sun dorm nasa kanya kasi yung nga susi ng kwarto sa loob.

Sa isang kwarto ay mayroong dalawang estudyante na mag she-share. At bawat isa ay dapat may kopya ng susi ng kanilang kwarto para maiwasan yung mga incident na nalolockan sa labas kasi yung isa lang yung may susi etc.

Anyway, pumila na kami ni Ally sa dulo since kakarating lang namin.

Tulad ng pila sa lobby ng main building, mabilis din ang usad ng pila dito. And before we knew it nasa may gatekeeper na kami.

"Room number?" Tanong ng gatekeeper ng sun dorm. Isa siyang babae na may katandaan na.

"Both keys sa room 226 please." Sabi ko. Tinignan muna kami nung gatekeeper bago niya kinuha yung susi namin.

"Heto na, iha." Sabi niya habang inaabot yung dalawang susi sa akin.

"Salamat po." Nginitian ko yung gatekeeper pero di siya nareact instead nakatitig lang siya sakin.

Naramdaman ko naman na parang may humila sa sleeve ng blouse ko. Its Ally.

"Ah... Hehe. Sige po, mauuna na po kami—" Bago ko pa man matapos yung sasabihin ko ay bigla siyang nagsalita.

"Ms. Villaflor?" Gatekeeper. Tinitigan niya uli ako pakakuha niya nung mga susi.

"Bakit po?" Ako. Naramdaman ko naman na parang humigpit yung kapit ni Ally sa braso ko. She seems a bit scared sa gatekeeper.

I looked at her and smiled and mouthed "Its okay" just to give her a little comfort.

"Ano ang zodiac sign mo?" Tanong nung Gatekepeer out of the blue.

"Po?" Ano raw?

"Ay jusmiyo! Kay bata-bata may problema na sa pandinig. Sabi ko anong zodiac sign mo?" Gatekeeper. I frowned. Una sa lahat, hindi ako bingi. Sadyang hindi ko lang talaga narinig yung sinabi niya.

Konsensiya: Eh diba ganun din yun?

Hindi, magkaiba yun. Trust me.

"Scorpio po!" I pouted.

Nagulat naman kami ni Ally ng biglang naglabas ng dyaryo yung gatekeeper.

"Ang sabi sa horoscope mo ay... Ngayong araw mo makikilala ang taong nakatadhana sayo. Ngunit wag mo siyang hahanapin, dahil siya mismo ang tatahak sa daan patungo sa puso mo. Maswerteng kulay: pula, Maswerteng Numero: 26, 10, 08 Maswerteng gamit: Bola." Gatekeeper. Napanganga naman ako sa sinabi niya. Ang cheesy. Shemay.

Pero infairness kinikilig ako.

"Joke po ba yan?" I said who is still refusing to believe kahit na gusto kong maniwala.

Once Again #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon