Balik tanaw

0 0 0
                                    

Ang sarap sa pakiramdam na alalahanin nung nagsimula tayo.. :)

Hindi ko inaasahan nun na magkakagusto ka sakin.. Kasi akala ko hindi ako yung mga tipo mo.

Nagsimula nung summer. Last week of April..

Isinali tayo nun sa Mr. And Ms. Summer, hindi makatanggi kasi supervisor na ang nagsabi.. Edi go na!

Alam ko noon isinali ka nila pero tumanggi Ka at hindi pumunta..

E sabi nila partner tayo kaya sabi ko sa sarili ko "aba! Minsan lang to. Makakapartner ko pa ang crush ko..dapat mapa-attend ko siya. Haha". So, ako naman kinukulit kita na wag mag baback out.. Kasi kung sakali friendship over tayo nun.. Haha

Hindi ako nabigo kasi napa-attend kita.. ang saya ko nung nag text Ka sakin na hindi Ka magbaback out kasi nahihiya Ka sa kagandahan ng partner mo.. *kilig naman ako* haha (pagbigyan na a.. Hehe)

Nauna ako sayo nun dumating. Pinag ayos na kami nun. Hindi ako mapakali sa iaayos ko sa sarili ko at sa isusuot ko. Ayaw ko kasing madisappoint Ka sakin e. :) kaya ayun! Aura! Haha

Hindi ko malilimutan ang reaction mo nung nakita mo ako na nakaayos na.. Hihi napa wow! Ka nun e.. *ang lapad tuloy ng ngiti ko* ^____________^

Ang nakaka disappoint lang e hindi tayo naging partner. Iba ang naging partner ko. Hindi ko alam kung panong nangyari e. Kaya sorry! ..

Una ako sa no. Ko. Kaya paniguradong pinapanuod mo ako kaya ginanahan tuloy lalo ako. Ginalingan ko sa pagrampa at pagsagot sa q&a. (Ayoko mapahiya sayo e. :) )

Natapus ako. At ikaw naman ang pinanuod ko.. Nakikisabay ako sa paghiyaw sayo kasi nakakatuwa ang intro mo e..hehe ang cute mo po.. :)

Hindi ako nabigo. Nanalo akong ms. Summer at ikaw naman ay 2nd runner up. Not bad.. Taka naman kasi ako summer outfit pero naka long sleeves Ka. Hehe peace! ;)

Ang pinakamasaya sa lahat. Nakapag papicture tayong dalawa at magkatabi tayo sa table.. :) sinamahan mo pa ako kumuha ng food. At nakapagkwentuhan pa tayo. :)

Dear My AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon