Balik tanaw 2

0 0 0
                                    

Ang saya ng summer outing.. Hindi ko inaasahan na ganun ang mangyayari. Kahit na umalis ka agad kasi from night duty kapa at kelangan mo na mag pahinga e okay pa din kasi nagkaroon tayo ng bonding.. :)

Ako naman pm duty, kaya after naming mag swimming ng kauntian ay nagbihis na kami at pumuntang ospital..

Excited na ako makita ka ulet.. Night duty ka kasi .. :)

Natuwa ako nung nag text ka nung kinagabihan at kinamusta ang duty namin..

Napaka petiks ng duty namin kasi konti lang ang patient at lahat sila benign. Nakapagpa scrub pa nga kami ng wards e. Nung binalita ko sayo yun e laking tuwa mo din..

Hindi natapus ang pagtetext natin.. Kulitan ang nangyari at napabili pa kita ng chips.. Hehe :)

Sabi mo pa e papasok ka ng maaga kaya lalo ako natuwa. :) :)

Pagdating mo e bitbit mo nga yung chips at inabot sakin. Inaasar nila ako pero wala lang sakin kasi alam ko na ang bait bait mo lang..

Hayyyy.. Bakit ang gwapo mo lalo ngayon?? :)

Napansin ko na bago ka palang gupit at kulay ng buhok.. Bagay sayo! :)

Hiniram ko phone mo kasi gusto ko na makita ang pic. Natin. :) first pic. Natin yun... Hehe

During endorsement e inaasar nila tayo kasi para daw may nabubuo sa atin. Haha. Natatawa ako.. At kinakabahan kasi baka nabisto nila na crush kita kaya ganun.. Tsk!.

After endorsement nagpaalam na ako kasi malayo pa ang uuwian ko.. Ikalawang bayan pa. Mawawalan ako ng sasakyan kapag nagkataon na ginabi lalo ako. Inasar pa nila na magpaalam ako sayo na hindi ko naman nagawa kasi sobrang nahihiya na ako.. Hayyyy..

Nung nakasakay na ako sa tricycle tinext kita at nag sorry ako sayo kasi inaasar nila tayo.. Sabi mo okay lang.. Okay lang din naman sakin. Ang kinakatakot ko lang naman e ang magbago ang pakikitungo natin sa isa't isa. Mas gugustuhin ko pang nakukulit kita minsan, nagkakausap kesa magkailangan..

Dear My AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon