Balik tanaw 5

0 0 0
                                    

Nagpa off  duty ako ngayon kasi aabay ako sa kasal ng kaibigan ko.. Medyo nasurprised lang ako sa kasalang eto kasi biglaan. Pero nakakatuwa din kasi may forever na sila.. :)

Ako kaya? Kelan magkakaroon ng forever?

Maayos natapos ang kasal. Heto ako ngayon nagbibihis na kasi pupunta naman akong mall may usapan kasi kaming magkakawork na manunuod ng sine..  Tinext ko na sila na pupunta ako. Sulitin ang day off. Hehe

On the way na ako ng malaman kong hindi makakapunta ang iba naming kawork.. Ang natira?? Kaming dalawa lang ni crush.. Tsk.. Nakakahiya.. Pero yae na. Andito na ako, wala ng atrasan..

Tinext ko na siya na andito na ako sa mall ..

Di naman nagtagal at nagkita na kami.. Pumunta kami sa cinema para bumili ng ticket.. Yun nga lang ang tagal pa ng oras ng showing kaya naisipan na lang namin pumunta sa arcade . nakakatawa! Para kaming nagdedate.. Haha. Naglaro kami ng ibang games at napag decide namin na mag videoke.. Hinamon ko nga na sa may stage kami kumanta pero aayaw may stage fright daw siya.haha so, ayun pumili muna kami ng kanta. Tig 3 lang kami.. Napa wow ako nung kumanta na siya.. Swabe e.. :) ang galing.. :)

After nun kumain naman kami sa Tokyo Tokyo.. Ang nakakaloko lang nakita namin ang kawork namin na kumakain dun.. Hmm. Nakaramdam ako.. Planado ba to? Kaya binanggit ko sa kanya.. Hindi naman daw niya alam. Kaya hinayaan ko na lang..

After namin kumain bumili lang kami ng ilang makakain at drinks bago pumuntang sinehan..

Enjoy syang kasama.. :) hindi nawawala ang kulitan habang nanunuod. Ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. :)

After namin manuod ay hinatid niya ako sa terminal gamit ang motor niya. Dapat hanggang terminal lang e pero inilampas niya at ihahatid na daw niya ako sa bahay namin.

Sabi ko naman na malayo yun at delikado kasi gabi na. Ikalawang bayan pa yun at papasok ng subdivision. Ang dilim pa mandin ng kalsada samin kasi halos mga walang ilaw ang poste. May mga naholdap at pinatay na din dun. Ayun di paawat. Ayaw pa daw niya umuwi at gusto niya ako ihatid. Napa sige na lang ako. Napaka persistent e.

Kwentuhan lang habang nasa byahe.. madami dami din akong nalaman tungkol sa kanya. Hanggang nakarating na kami samin. Natouch naman ako sa effort niya na ihatid ako kaya binigyan ko siya ng hug. :) ayun. Todo ngiti ang lolo mo at umalis na. Haha natatawa ako sa kanya kasi nagtext sya na naliligaw daw siya. Sabi ko mag focus kasi.. sabi naman niya hindi daw siya makapag concentrate kasi niyakap daw siya ng gusto niya. Nagulat ako! Hehehe

Dear My AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon