Nagtapos tayo sa isang tanong "Kaya pa ba?" At sinagot ng isang ngiti at matang malulungkot.
Nagsimula tayo sa isang tanong "pwede pa ba?" Na sinagot ng isang ngiti at mga matang umaasa.Eto ang ating kwento: dalawang pusong nakipaglaro sa kapalaran. Hinahabol ang Alon at pabalik ng dalampasigan. Nagpadala sa hila ng buwan at sa himig ng mga tala. May mga gabing malalim ang gabi at pati na ang dagat at meron naman mga gabing nilalaro ang kalawakan ng langit at hinahalikan ang hanging sinisinta..
Isang halik, isang ngiti. Sabi mo hindi mo kayang makipaglaro dahil ang isang ako ay minamahal ng totoo at ikaw naman ay karapatdapat na mahalin ng buo.
Oo, minahal kitang totoo at buong buo. Minahal ko ang bawat gabing hindi ko hawak ang iyong lungkot at sakit, minahal ko ang mga luha at sugat, ang mga umagang hindi tanaw ang iyong mga salita. Minahal ko ang bawat katahimikang isinukli pati ang mga salitang hindi ibinalik.. Oo, minahal kitang totoo at buong buo..
Ngunit heto tayo.. Nagtatanong kung kaya pa ba? Kung gusto mo pa? Kung maaari pa ba?
Mahal.. Halika .. Hawakan mo ang aking kamay sa huling pagkakataon habang ang mga tala'y nakangiti't lumuluha..
Eko.. :'( ...
-mahangin
©mgm
BINABASA MO ANG
Dear My Almost
No FicciónYung buong suyo na niligawan Ka.. Pinakilig Ka ng sobra... Dadalhan ka lagi ng pagkain.. Pupuntahan Ka kahit ang layo ng bahay mo.. Sasamahan Ka kahit San Ka pumunta Gusto lagi ka niyang makasama. Hihintayin ka na mag out sa work kahit abutin ng ma...