Chapter Six: Memories of the Past

539 10 0
                                    

Kevin’s POV:

“Hindi ako mapakali sa nakita ko. Maraming mga bagay ang tumatakbo sa isipan ko habang sakay kami ng kotse. Alam ko na nagkukwento si Emz pero hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Hindi ko man lubosang kilala ang Michael na ‘yon, nakadama ako ng takot. Hindi ko alam kung bakit.”

Emerald: Kev? Okey ka lang?

Kevin: Ha? Ah. Eh, oo naman okey lang ako bakit mo natanong?

Emerald: Kanina pa kasi ako daldal ng daldal dito, hindi ka naman pala nakikinig sa akin.

Kevin: Sorry Emz, may iniisip lang ako.

Emerald: Pansin ko nga. Ano ba ang iniisip mo at parang, nasa outer space na yang utak mo?

Kevin: Nako wala to.

Emerald’s POV:

“Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Kevin. Parang may problema siya na hindi niya sinasabi sa akin. Dumating kami sa distenasyon namin ng hindi ko siya makausap ng maayos.”

Emerald: Ang ganda pa rin pala dito noh.

Kevin: Oo naman. Naalala mo ba noong una tayong pumunta dito?

Emerald: bakit ko naman makakalimutan ‘yon eh muntik na akong malunod ng araw na ‘yon eh. At syempre you are there to save me. Kaya hanggang ngayon nandito pa rin ako.

Kevin’s POV:

“Inalala ko ang mga tagpong naganap ng araw na ‘yon. Masaya kaming pumunta sa lugar na ‘yon para icelebrate ang birthday ni Eula.”

5 Years ago…

“Maaga akong nagising dahil sa pagtawag ni Paul.”

Paul: Hello bro, gising ka na ba?

Kevin: Sino ba naman ang hindi magigising sa tawag mo bro. Ang aga pa oh, four thirty pa lang ng umaga. Six pa tayo pupunta doon sa resort.

Paul: Eh, sorry bro. excited lang kasi ako para sa surprise birthday party natin para kay Eula eh.

Kevin: Kaya naman pala. Teka ako lang ba ang tinawagan at ginising mo?

Paul: Actually, hehe kayong lahat. Ikaw lang ‘yong inihuli ko. Kasi sabi ni Emz ‘wag daw muna kitnag gisingin dahil napagod ka daw sa paghahanap nung mga gagamtin para ngayon.

Kevin: Sinabi mo pa, nakakapagod kayang maghanap ng mga taong tutulong sa amin para sa event na to.

Paul: Salamat talaga bro! Utang ko sayo ang araw na to!

Kevin: Sige na. Maghahanda na ako. Baka umiyak ka pa jan eh.

Paul: Sige bro. Salamat, see you later bye.

Kevin: Sige, bye.

“Bumangon na ako at naghanda para sa pagbiyahe namin. Quarter to six ng umalis ako papunta sa bahay nila ni Emerald para sunduin siya. Pagdating ko doon, nasa sala na si Paolo at kausap si Jade.”

Jade: Good morning Kev. Ang aga mo ata. Tuloy ka.

Kevin: Good morning. Parang hindi naman ako ang pinakamaaga dito eh. Good morning sayo bro. Naunahan mo ako ngayon ah.

Paolo: Hindi naman bro. Kararating ko nga lang eh.

Jade: maiwan ko muna kayo. Tatawagin ko lang si Emerald, wait a sec.

“Umalis si Jade at naiwan kaming dalawa ni Paolo, napag-usapan namin ang ginawang panggigising ni Paul.”

Kevin: Ginising ka rin ba ni Paul?

The Nearness of YOU<3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon