Kevin's POV:
"Ang saya ng feeling ko ng makita ko muli si Emerald. Parang naging makulay muli ang mundo ko. Kinuha ko ang picture frame, tinitigan ko ito. Biglang pumasok ang mommy ko."
Kevin's Mom: Hi anak.
Kevin: Hi ma. "I kiss my mom."
Kevin's Mom: Balita ko umuwi na daw si Emerald at Jade. Kumusta na man sila?
Kevin: Okey lang naman sila ma. Ayon dito na daw sila.
Kevin's Mom: Uuwi na rin ba ang parents nila?
Kevin: next year pa daw po.
Kevin's Mom: Eh, kayo kumusta naman? Balita ko nag-away daw kayo dahil dun kay, Alexa ba yon?
Kevin: Okey na po kami ma. Ang gaan nga po ng feeling ko.
Kevin's Mom: Oh sha, matulog ka na at parang may pupuntahan ka pa yata bukas.
Kevin: Okey ma, goodnight po.
"Lumabas na si Mommy at naghanda na akong matulog. Pumikit ako, nakikita ko si Emerald, dumilat ako at dinial ang number ni Emerald."
SA BAHAY NILA EMERALD:
Emerald's POV:
"Nakahiga na ako sa kama ko at binabalikan ang mga nangyari ng araw na 'yon, nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko nung sino ang tumatawag, biglang naging iba ang takbo ng puso ko ng makita ko ang pangalan ni Kevin sa screen. Huminga ako ng malalim at sinagot ang tawag niya."
Emerald: Hello? Oh Kev, napatawag ka? May problema ba?
Kevin: Wala naman, hindi lang kasi ako makatulog. Ikaw bakit gising ka pa?
Emerald: Hindi rin kasi ako makatulog eh, namamahay ata ako.
Kevin: Natural lang 'yan. You've been on the states for 3 years.
Emerald: Ipagdiinan ba ang 3 years! Ikaw talaga.
Kevin: Hindi na man. Pero masaya ako at nandito ka na ulit. Namiss talaga kita.
Emerald: Ako nga rin eh. Pero hindi halatang miss mo ako ha. May emote effect ka pa kasi eh.
Kevin: Naghihintay lang kasi ako ng timing para malapitan ka. Naunahan mo pa tuloy ako. Hmm, gala tayo bukas?
Emerald: Sure, basta ba libre mo eh. haha
Kevin: Ako na naman? Di ba pweding ikaw na man?
Emerald: Aba..
Kevin: Joke lang ikaw talaga hindi na mabiro.
Emerald's POV:
"Halos isang oras din kaming nagbabad ni Kevin sa phone.Tiningnan ko ang relo, mahahating gabi na."
Emerald: Kev, maghahating gabi na pala.
Kevin: Ay, oo nga. So pano? Kita na lang tayo bukas. Gaya ng dati susunduin kita. Okey? Goodnight Emz, sweetdreams!
Emerald: Sige! Goodnight din Kev.. Sweetdreams.
"Binaba ko na ang phone at pumikit. Unti-unti na akong dinadala ng antok ko sa isang magandang panaginip."
BINABASA MO ANG
The Nearness of YOU<3
FanfictionLove doesn't have rules to be followed. It's not just a game. It is a feeling shared by different people who share the same feeling:)