Chapter 4

87 2 0
                                    

Pagkagising ko ay nakita ko si Ryan na nakatingin lang sakin .

"Kanina ka pa dyan?!" pagtatanong ko .

Napangiti naman sya sabay turo sa orasan "Late ka na po e . Kanina pa kita tinatry gisingin kaya lang yung kamay ko tumatagos na sa ulo mo e"

Whut !? Late na ko ?! "Ry , patulong naman o , paayos ng mga gamit ko . Maliligo lang ako" bago pa ako makapasok sa banyo ay nagsalita sya

"Pag naligo ka pa , malelate ka talaga ng 30 minutes at malilintikan ka sa striktong prof mo" hindi na ako nakaligo . Nagbihis nalang ako at hinila nalang yung bag ko .

Habang pababa ko , sinasabi ko sa sarili ko na I should act normal . Bawal mong kausapin si Ryan sa school or sa public places .

Pagbaba ko ay sakto naman na may dumaan na taxi . Medyo malapit naman school ko dito kaya kung magtataxi ako makakabawas ako ng 5 minutes of being late .

And finally ! Nasa school na ko . May 5 minutes pa ako . At papunta na ako sa Building A . Pag di ako umabot , mag skip class nalang ako kasi tatapusin ko pa paperworks ko for the another class hehe #CollegeGaming

Nakasalubong ko ang PNA Team at sabi nila ay may meeting daw mamaya , so chances na makakasama ko si papi Makoy .

Nang matapos ko silang kausapin ay agad akong kumaripas ng takbo papunta sa classroom namin dahil umaasa akong hindi pa huli ang lahat .

Sumilip ako sa pintuan para tignan kung may prof na ba , at saka unti unting pumasok .

"Ms. Odon ! Ang aga natin para sa second class mo ah ?" saad ng istrikto kong prof na si Sir Mendoza . "Uhmm , Sir I –– " bago pa man ako makatapos ay sumigaw siya ng pagkalakas lakas . "Get out of my class ! Ang aga mo Odon !" wala na nga akong nagawa kundi lumabas na lang . Yan kasi Angel ! Puyat pa ! Tsk .

Lugmok akong umupo sa mga bench sa may garden . Tinapos ko nalang yung papers na ipapasa ko sa next class .

"Oy Gelay!" pang gugulat sa akin ni Charm , ang bestfriend ko . "Oy din Charm!" saad ko at sinamaan siya ng tingin .

"Wala ka ata sa mood gaga ? Anyare ?" napasimangot ako matapos niya itong tanungin . "Ah ! Si Mendoza nanaman ? Hayaan mo na yon last year na niya ngayon , sixty years old na siya HAHAHA" saad nito pero hindi parin niya ako napatawa , napalingon ako sa kaliwa at nakita si Enrico , ang ex kalandian ko , na kasama yung bago niya .

"Ay alam ko na , si Enrico nanaman?" tanong niya sakin at ipinaling ang ulo sa side niya , "Dumagdag lang siya , oo , siya nanaman , oo siguro" sagot ko sa mga tanong niya . "Mahal mo pa ? Naging kayo ba?" pang gagagong tanong niya sakin . "Paano kung mahal ko pa ? Oo hindi naging kami pero mahal ko nga eh ayon oh , masaya na siya sa iba , bakit ko pa ipipilit sarili ko diba ? Saka di naman naging kami , landian lang yon , landian"  sumimangot ako , "At isa pa , kahit ipilit ko naman at ayaw na niya , wala na talaga akong magagawa , mas mahal na niya yung bago niya eh" dagdag ko pa .

He's The GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon