Nakatingin padin ako kay Enrico , kasama yung bago niya .
"Crush mo uy !" kulbit sakin ni Charm na gumising sa diwa ko "Huh ? Asan !?" napatingin ako kay Charm at nakangisi siya , "Ayan , yan tayo eh , aasa ka nanaman ? Tapos ano ? pag nasaktan iiyak ? Ilang beses ka bang iniire ng nanay mo ? Kulit ha ?!" tugon nya na nagpasama ng tingin ko sakanya . "Hindi naman kasi ako umaasa eh !" sagot ko at napatingin sa relo ko "Oh sya , ten minutes nalang at time na , I have to go , kita nalang tayo mamaya" saad ko at umalis na sa kinauupuan ko .
» FAST FORWARD «
Andito ako ngayon sa headquarters ng Paranormal Team , hinihintay sila , may meeting daw kasi , at ang ipinagtataka ko eh parang ako lang ata ang bagong recruit ng grupo .
Tik tok , tik tok ...
Nakatitig ako ngayon sa orasan at halos mamuti na ang mata ko sa kahihintay sa kanila ...
"Ms. Odon ? I am really sorry naghintay ka pa" sabi ng isang babae sa likod ko , nakita ko si Xychlone , ang bulung bulungan na girlfriend ni Makoy , infairness naman kasi , maganda siya , matangkad , maputi , mabait , mayaman at matalino , It Girl ng campus , kaya siguro type ni Makoy "Okay lang po Ms. Xychlone , hmm , wag na pong Odon please , Angel nalang po , ang formal eh , jusko naman" turan ko at nakapamaywang na tumayo sa upuan "Oh my Gosh girl , I really thought — ay , akala ko talaga IT GIRL ka den , like , yung babaeng tipo ng lahat , akala ko mahihirapan ako sayo , jusmiyo gurl , I like you na agad" saad ni Xychlone sabay roll ng eyes at umupo , "By the way , you can call me , Rhea , second name ko , napaka arte naman ng Xychlone , kaurat" dagdag pa nito . Natigil ang pag uusap namin ng sunod sunod na pumasok si Makoy , Kyo , Sapphire at Max . Pumasok sila na may mga dalang papel at mga devices na magagamit sa PNA Team .
"Good Afternoon" paninimula ni Makoy sa meeting . "I want you all to welcome our new member , Angel Kyla Odon" itinaas ko ang kamay ko para makilala nila ako , "Maraming pumasa actually , kaso siya , nagoutstand siya , nakakatawag siya ng spirits , iba talaga , unlike us na nakakakita lang , siya nakakatawag talaga , nawitness ko , ang galing" saad ni Makoy na naging dahilan ng pagtingin sa akin ng mga members . Nakita kong pumalakpak si Xychlone at ngumiti . "So tinawag mo kami para lang ipagmalaki yung bagong recruit ? Tsk kung wala naman palang importanteng sasabihin , can I leave now ? may class ako" turan ni Kyo , ang isa sa mga matatagal ng member ng team , pinakamatalino sa Basic Ed Department pero isang introvert , ewan ko ba , ampogi sana eh , kaso ang sungit eh , huhu sayang . "Kyo , the school head talked to me and napapansin niyang may ibang nangyayari sa faculty sa Science Department ng highschool , and he wants us to investigate about that spiritually , now , is that something unimportant ? Answer me now Kyo ." turan ni Makoy na nakadiin ang kamao sa papel na nakalapag sa lamesa . "Angel , masanay ka na ha ? Sa mga churva ek ek niyan ni Makoy , ganyan talaga 'yan" bulong sa akin ni Xychlone a.k.a Rhea .
BINABASA MO ANG
He's The Ghost
RomancePara sa lahat ng RyKi (Ryle + Taki) fanatics out there !! Please do read this . Love you much GirlinDecember