Pumunta na ako sa sala kung saan nag aantay sa akin si samantha.
Nang makarating ako sa sala ay nakita ko si samantha na malalim ang iniisip."Hi"-pag agaw ko ng atensyon niya
Mukhang nabigla siya nang makita ako.
"H-hello sh-shiela"-nauutal niyang sabi
Medyo nailang din ako sa sitwasyon naming dalawa.
Sino ba ang di maiilang kung kaharap mo ang dati mong bestfriend na nag traydor din sayo."Anong kailangan mo?"-malamig kong tanong sa kanya
Mukha naman siyang kinabahan dahil sa inakto ko.
"A-ano m-may s-sasabihin ako sayo"-sabi naman niya
"Spill it"-maiksi kong sabi
"G-gusto ko sanang sabihin sayo na kung puwede bang m-makipagbalikan k-kana kay r-raven"-sabi niya sa akin kaya napataas ang kilay ko.
"At sino ka naman para sabihin sa akin yan?"-naiinis kong tanong
"Look shiela,hindi na ako makikigulo sa pagmamahalan niyo,aalis na ako bukas papuntang United Kingdom kaya please.....bilang isang dati mong kaibigan....hinihiling ko sayo na balikan mo na si raven"-naiiyak niyang sabi
"Mahirap gawin ang hinihiling mo samantha....pero...susubukan ko"-nakangiting sabi ko sa kanya.
Hayst.gusto ko ng makipagbati kay samantha bago siya umalis sa bansa kaya eto....binababa ko na ang pride ko.
"T-talaga?"-gulat na tanong niya
"Oo naman....para sayo......dear"-sabi ko
Nagulat naman siya ng sabihin ko ang tawagan namin noon."Pinapatawad mo na ako?"- tanong niya
Tumango lang ako bilang sagot.
Agad naman niya akong niyakap......yakap ng isang tunay na kaibigan."Thank you dear.......thank you sa lahat"-sabi niya.
Naramdaman kong humihikbi siya habang nakayakap parin siya sa akin."Ok lang yun best....past is past"-sabi ko sa kanya habang hinahagod ang likod niya.
Masasabi kong...isa siyang tunay na kaibigan kahit na trinaydor niya ako noon.
Ang tunay na magkaibigan ay nagdadamayan hindi nag iiwanan sa oras ng pangangailangan.
Continue reading...
BINABASA MO ANG
MHIAUC 2-ONLY YOU(COMPLETED)
Teen FictionNagsimula ito sa panget na simula. Simula na punong-puno ng away,sakit,iyakan,saya,at pagmamahal. Ngunit magtatapos din ba ito sa wakas na puno ng sakitan? Subaybayan natin ang pagpapatuloy ng storya ni SHIELA SUAREZ SALVADOR Dito sa.... MHIAUC 2-ON...