Nakahiga ako bandang dibdib niya habang yung kaliwang braso niya, nasa likod ng ulo ko, at yung isa nakayap sa akin. Rinig na rinig ko yung tibok ng puso niya mula sa pwesto kong 'to. Ang sarap sa pakiramdam.
Alam niyo yung parang nakalutang ka sa ulap? Ito yun eh. Sino ba namang mag-aakala na makakasama ko ang ultimate bias ko sa ganitong eksena. Diba wala? Kahit nga ako, pakiramdam ko jinojongdae ko lang yung sarili ko.
Well, totoo man to o hindi, gusto ko na lang sulitin hangga't hindi pa ko nagigising.
"Hey," Bigla naman ulit nagising ang katawang lupa ko na medyo inaantok na nung nagsalita siya. Ganun ba talaga kapag katatapos lang gawin yun? Nakakaantok?
"Yes?" tapos medyo inangat ko yung ulo ko para makita ko ang magandang mukha niya. Grabe, kahit itong itsurang ito lang ang makita ko araw-araw sapat na.
"You're so quiet. Are you okay?" Medyo yumuko naman siya para tingnan ako. "Does it hurt that much?"
"No, no! I'm perfectly fine!" But the truth is, masakit talaga yung *toot* ko, sobra.
"Are you sure? I'll get you some meds if you want." Kai naman. Wag ka na kasi maging mabait sakin, lalo akong maiinlove!
"No. I'm fine, thanks." I said while giving him my sweetest smile. He smiled back.
Ngumiti lang siya tapos binalik niya yung tingin niya sa kisame. Tahimik na ulit yung paligid. Ang dami kong gustong tanungin sa kanya. Kung ano ba ang mga nangyayari sa dorm ng EXO, kung totoo ba ang Selu, kung matakaw talaga si Xiu, kung masarap ba ang luto ni Kyungsoo, kung playboy ba talaga siya, at marami pang iba. Ang dami kong gustong malaman tungkol sa kaniya, sa kanila. Gusto ko malaman kung ano ba sila kapag wala sa harap ng camera.
Pero higit pa sa mga yun, madami pa kong gustong itanong. Kung paano niya nakita sa labas, kung bakit niya ko dinala dito, kung bakit niya ko hinalikan, kung natural lang ba sa kanya yung ganito. Yung pakikipag-sex sa babaeng hindi niya kilala, kung ano ba kami, kung may kasunod pa ba 'to, o kung may ibig sabihin ba 'tong ginawa namin.
Pero alam kong hindi dapat. Ayaw kong sirain yung moment. Gusto ko na lang i-enjoy habang nandito pa siya sa tabi ko.
Bumangon ako at dumapa para makita siya ng maayos, kaya napatingin siya sakin. "Kai," I said, killing the silence.
"Yes?" He answered.
"Why didn't you guys sing Baby Don't Cry earlier? That's my favorite." Sabi ko habang naagfe-fake cry. Nagpapa-cute lang ako hehehe kasi naman masyado nang tahimik, pakiramdam ko ang lalim ng iniisip niya. Gusto ko naman sulitin yung oras na kasama ko siya. Gusto ko siyang makausap, yung parang normal na pag-uusap lang ng isang fan at idol.
Medyo natawa naman siya tapos bumangon at umupo. Umupo na rin ako. Pareho kaming wala pa ring damit ngayon, kaya siya, expose yung upper body niya habang ako nakabalot naman sa blanket.
"You really want to hear Baby Don't Cry live?" Tanong niya.
"Of course! It's my biggest dream!" I exclaimed.
Ngumiti naman siya ng malapad tapos nagsalita ulit. "Well the beagle line's not here so is it okay if I take over the singing instead?"
WHAT. SI KAI. KAKANTA NG BABY DONT CRY?
"Really? You'll sing for me?" Sabi ko habang pumapalakpak yung tenga ko sa tuwa.
"Of course. That is if you'll promise you won't laugh at me." Sabi niya.
"Of course not! I promise!" Sabi ko naman agad. Baka bawiin pa eh.
"Okay then." Sabi niya tapos tumawa ulit habang nagku-kunyaring nac-clear throat. Tapos maya-maya lang pumikit na siya at nagsimulang kumanta.
BINABASA MO ANG
Baby Don't Cry
FanfictionIf fate gave you the chance to spend a night with the man of your dreams, what would you do?