Chapter 1

1.1K 29 2
                                    

Yen's POV

"OH MY GOD. YEN, YOU NEED TO SEE THIS! YOU NEED TO SEE THIS!!"

Anak ng– andito na nga ako sa part na magki-kiss ang Selu, naputol pa. Langya tong baklang to, di pa marunong kumatok. "Istorbo ka naman! Nagbabasa pa ko ng fanfic oh!"

"Gaga mamaya na yan! Mas importante to!!!" Sabay hablot niya sa cellphone ko at nilapit sa akin yung iPad niya.

Ano na naman kayang kalokohan to. "Pag ito walang kwenta kukurutin talaga kita sa singit, no joke!"

"Ew ka talaga! Basta basahin mo na lang kasi!" Pangungulit niya.

[CONFIRMED]

EXO's Concert-Fan meeting event will be on June 3, 2014 at the MAO Coliseum.

Only 4,000 tickets will be on sale because the said event will be exclusive, and includes a meet and greet privilege. There will only be two types of tickets for this event, which means no general admission etc. Only SVIP and VIP.

Ticket prices:

SVIP - P7,500

VIP- P4,000

For more details please visit ticketnet.com.ph

SHIT

SHIT

Ang tagal bago nagsink-in sakin yung nabasa ko. Feeling ko 3 minutes akong nakanganga dito, buti na lang si Ricci lang ang nakakakita sakin. "BAKLA TOTOO NA BA 'TO? AS IN 100%" Sabi ko habang inuuga-uga yung balikat ni Ricci.

"Shunga ka ba? Confirmed nga nakalagay oh!"

KASI EH. ITO NA YUN. Pinalampas ko ang DKFC at K-pop Republic last year, balde balde ang iniyak ko nun at ayoko na maulit.

"Hoy sis! Gumising ka nga! Bilisan mo, kailangan na natin bumili ng tickets!" 4000 na tao nga lang pala ang ma-accommodate, kailangan na naming makabili, baka maubusan pa kami. Jusko laslas na lang kapag ganun pa ang nangyari sakin ngayon.

As expected, maaga pa lang mahaba na ang pila sa TicketNet. Buti na lang maaga kami pumunta ni Ricci at medyo nasa unahan kami ng pila. SVIP syempre ang binili namin! Kahit mahal, sigurado akong sobrang worth it.

Si Ricci, hindi naman yan kpopper dati, pero mula nung na nahumaling ako sa K-pop, nakahiligan niya na rin. Friends kami niyan since high school, and kahit magkaiba kami ng course ngayong college, we're still close and we consider each other as best friends. HRM kasi ang kinuha niya and ako naman Accountancy. Pareho kaming 2nd year.

Sabi niya pa dati, baduy daw ang K-pop, pero nung natuklasan niya ang EXO, nakita nyo naman ang resulta di ba...Dati mejo tagilid pa lang, ngayon lumadlad na talaga at from Richard naging Ricci na siya. Lucci daw kasi ang pairing nila.

And as for me, si Jongin naman ang ultimate bias ko. Kaya nga di ako mapakali nung nalaman kong magkakaroon na sila ng solo concert dito. Ilang beses na kasi silang pumunta dito sa Pilipinas kaya lang di ako nakapunta kasi nga, alam niyo na, #brokeprobz. Pero this time hindi na ko papayag na hindi ko sila makita. I won't let this opportunity slip away.

~~~

140603

Today is the day. Ang araw na pinakahihintay ko, ang araw ng concert. Habang papasok kami ni Ricci sa venue, hawak hawak ko ng mahigpit yung kamay niya. First time kong makikita ang EXO, at sobrang kinakabahan ako.

Sa totoo lang, nag-ayos ako para lang dito. I'm not the usual make-up girl, pero para ngayong gabi, tiniis ko ang foundation sa mukha ko dahil na rin sa pagpupumilit ni Ricci. Pumayag rin naman ako dahil umaasa akong mapapansin ako ni Kai.

Pero sino nga bang niloko ko, out of 4,000 people makikita niya pa ba ako? Kahit nga siguro nasa harap niya ko eh hindi niya ko titingnan. Buti sana kung kasingganda ko si Seohyun, o kasing sexy ako ni Yuri at Hyo, o kaya kasintangkad ni Soo.

"Oh my gosh! Sa pinakaunahan ang seat natin sister!" nagising naman ako sa pagmumuni-muni nung biglang nagsalita si Ricci at tinuro yung upuan namin.

Oo nga, nasa pinakaunahan. At gitna pa.

Lord, thank you so much!

We sat down and waited patiently. Nakakaba na nakakaexcite. Yung parang gusto mong umihi pero hindi ka naman naiihi. But after a few minutes of waiting, namatay na rin yung mga ilaw sa buong coliseum. At base sa sa mga concert na napapanood ko sa dvd, sign na yun na malapit na magsimula. OMG.

"SHIT MALAPIT NA SIS. SI LULU KO! MALAPIT KO NA SIYA MAKITA! WHOOO!"

"OH MY GOSH JONGIN...JONGIN!"

Para kaming mga tanga, I know. Hahaha. Alam naman naming na wala pa sila sa stage pero sigaw pa rin kami ng sigaw para palabasin na sila. Aba ilang minuto na kaya kami naghihintay noh.

Ilaw na lang ng mga lightsticks ang nakikita ang nagbibigay ng liwanag at nababalot ng iba't ibang fanchants yung buong venue. At kahit kinakabahan ako, nakikipagcompete pa rin ako sa palakasan ng sigaw. Matagal ko yatang hinintay tong pagkakataon na 'to!

"EXO! EXO! EXO! EXO!"

"EXO!"

Kinabahan ako nung biglang tumahimik sa buong paligid. Nun ko lang narealize na...

May tao na sa stage!

Baby Don't CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon