Final

841 56 30
                                    

Nagising na lang ako sa sinag ng araw na tumatama sa likuran ko. Napamulat ako ng mala D___O nung marealize ko na umaga na pala. Late na ko sa school shet! Agad akong bumangon para pumunta sa CR at maligo.

Pero napatigil ako nung makita ko yung paligid. Nun lang nagsink-in sakin na wala pala ako sa kwarto ko at higit sa lahat wala akong suot na damit. Akala ko nananaginip lang ako kagabi. Totoo pala lahat.

Yung concert, yung ulan, si Kai, at yung nangyari samin.

Tiningnan ko yung oras, 7:14 na ng umaga. Wala na si Kai sa kama. Tumakbo ako papunta sa banyo, umaasa na maririnig akong tunog ng shower. Baka naliligo lang siya.

Pero wala ring tao.

Wala na siya.

Ito na nga yung kinatatakutan ko.

Tapos na ba talaga yung panaginip ko?

Nilibot ko ng tingin yung buong kwarto, hanggang sa may isang bagay na nakatawag ng pansin ko. Sa side table, may nakapatong na mga damit. Yun yung damit ko kagabi na pinadryer ni Kai. Lumapit ako para kunin yun nang mapansin kong may maliit na piraso ng papel na nakapatong sa taas.

4:15 am

good bye. take care of yourself.

p.s. please don't cry~

xoxo kai

Bigla nalang bumuhos yung luha ko pagkabasa ko nun. Ang abnormal ko no? Kasasabi niya lang na please don't cry pero umiyak ako lalo. Kapag naaalala ko kasi yung mga nangyari kagabi, hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Para akong nalulungkot na ewan.

Pero diba dapat maging masaya ako kasi totoo yung nangyari samin? At napakaswerte ko dahil binigyan ako ng pagkakataon na makasama ang ultimate bias ko. Hindi naman lahat ng fangirl nagkakaroon ng ganung chance. Pero bakit ganun...ang sakit?

Napaupo na lang ako sa kama habang yakap-yakap yung mga damit at note na iniwan ni Kai. Paulit-ulit ko yung binasa at umiyak na lang ako ng umiyak.

And that is where my dream ended.

~

"Congrats ate! Ang galing galing mo talaga!"

"Thank you, Lily!" Sabi ko habang niyayakap yung pinsan ko. Nagkita kami ngayon dito sa Starbucks, gusto niya daw kasi ako i-congratulate ng personal.

"Grabe ate, CPA ka na. Buti ka pa nakapasa na ng board exam, eh ako? 1 year pa bago makagraduate. Huhuhu~"

"Okay lang yan Ly! Konting tiis na lang naman eh." I said.

Opo tama kayo. Certified Public Accountant na nga ako. Kalalabas lang kasi ng results ng board exam kahapon, at akalain mo nga naman, nakapasa pa ako. Haha!

Yes. Taon na ang lumipas.

At simula nung gabing yun, wala na akong natanggap na kahit na ano mula kay Kai. Ni hindi ko alam kung ano yung ibig sabihin ng sinabi niya sakin nun. Nung una medyo umaasa pa ako na baka i-contact niya ko o baka bumalik siya dito sa Pilipinas. Pero wala.

Hindi ko alam kung bakit, pero hindi na nasundan yung solo concert nila dito nung 2014.

Napatingin ako sa labas ng bintana at nakita ko yung malaking billboard ng EXO. Sikat na sikat pa rin sila. Ilang album na rin ang nai-release nila, at lahat record-breakers. Three years in a row na rin silang naghahakot ng awards sa iba-ibang awarding gaya ng MAMA, MMA at EMA at ni isa dun wala akong pinalampas.

Hanggang ngayon kasi, die-hard fan pa rin ako ng EXO. Sa kabila nung nangyari samin ni Jongin, walang nagbago. Mas lalo ko pa nga silang minahal lahat. Pero hindi ko lang maiwasan na maiyak pa rin kapag nakikita ko si Kai sa TV. Lagi siyang masaya at parang walang inaalala. Nami-miss ko na siya. Sobra.

Baby Don't CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon