Kabanata Isa: [The Unexpected Fact]

225 5 1
                                    

KABANATA ISA: [The Unexpected Fact]

Ilang araw na ang lumipas at hindi pa rin sya nagpapakita sa akin. Ni tawag o text man lang ay wala akong natatanggap mula sa kanya.

Ano bang nangyari sa kanya? May masama bang nangyari sa kanya?

Tanong ko sa sarili ko habang naglalakad sa tabing kalsada kung saan maraming tao ang makikita, mga iba’t ibang ilaw na nakapalibot sa paligid na nagsisilbing liwanag sa maingay na gabi.

Nasa isang syudad ako, isang syudad na pinapasyalan ng maraming tao. Ilang metro lang ang layo nito sa tahimik na subdivision namin.

Limang araw na ang nakalipas simula noong hindi ko na nakita kahit anino man lang ng taong minamahal ko.

Nasaan na ba sya?

Kung saan saan ko na sya hinahanap.Sa bahay nila wala sya. Ang sabi nila wala sya roon at ilang araw na ring hindi bumibista doon.

Sa condo nya wala din sya. Walang tao kapag ako’y pumupunta doon. Tinawagan ko rin ang mga kaibigan nya na kilala ko, pero hindi rin nila alam kung nasaan sya.

Nasaan ka na Renz?

“JANE!”

“Ay pusang gala” nagulat ako ng biglang may sumigaw sa likod ko at bigla akong niyakap.

Agad din naman syang bumitaw sa pagkakayakap at lumingon ako para makita sya.

“Oh! Ikaw pala yan Ellaine” pilit akong ngumiti sa kanya. Hindi pa rin kasi ako mapalagay eh. Gusto ko na talagang makita si Renz.

“Anong ginagawa mo dito? Hinahanap mo pa rin ba si Ron? Hindi mo pa ba sya nakikita?” tanong nya. Sya nga pala ang pinsan ko at isa sa mga malalapit kong kaibigan.

Napabuntong hininga ako, “Hindi pa rin eh. Wala pa rin akong balita sa kanya” yumuko akong may malungkot na ekspresyon.

“Huwag kang mag alala. Makikita mo rin sya” sabay tapik nya ng mahina sa balikat ko.

“Ano nga pa lang ginagawa mo dito? Saka bakit ganyan ang suot mo?” nagtataka kong tanong sa kanya, dahil na rin sa kanyang suot na damit. Isang short na shorts at  naka red tube sya at naka-make up, “Mukha kang slut” dagdag ko pa.

“ Ahahaha! Mukha ba? Mukha lang but I’m not. Pupunta ako sa nightclub eh. Alam mo naman ako, gimikera. Party party” ang laki ng ngiti nya. Buti pa sya pa-nightclub nightclub na lang. walang problemang iniisip. Ngumiti lang ako.

Teka..

“Bakit ka nga pala pupunta ng nightclub eh 16 ka pa lang? You’re not allowed there. Saka gusto mo bang ma-rape ha? Tignan mo nga yang suot mo.”

“Hindi ko naman sasabihin na minor ako at  saka magaling akong magsinungaling diba.” proud pa syang nagsalita. “Saka, ano ka ba, hindi kita magulang kaya wag mo akong pagsabihan” nagpout sya.

“Baka malaman ng parents mo” itong Elaine na ito masyadong pasaway kasi eh.

“Hindi nila yun malalaman unless isusumbong mo ako. At saka nasa abroad sila so gagawin at gagawin ko ang gusto ko”

Napabuntong hininga lang ako.

Hindi alam ng parents nya kung ano ang mga ginagawa nya. gimikera at may pagka playgirl kasi tong si Ellaine. Buti na lang at hindi sya basta basta gumagawa ng bagay na makakasama sa kanya.

Loving That GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon