Kabanata Tatlo: [The Guy In His Blue & White Jersey]

64 3 0
                                    

KABANATA TATLO: [The Guy In His Blue And White Jersey ]

Nasa school na ako. 4th year high school student ako sa isang private girls school. Nakaupo na ako ngayon habang nagbabasa ng isang novel book. At may nakasaksak na earphones sa tenga ko.

Kapag wala pa ang teacher namin ito ang ginagawa ko. Yung iba kong mga kaklase kung ano ano ang ginagawa. Yung iba pinag uusapan ang mga boys sa ibang schools.

Yung iba gustong magtransfer sa ibang school basta may magiging kaklase silang lalaki. Mga malalandi talaga tong mga kaklase ko.

“Waah~ ang gwapo ni Warren Villaroel”

“Hindi mas gwapo tong si Patrick Guevarra”

“Si Warren ang gwapo”

“Si Patrick kaya”

“Si Warren”

“Si Patrick”

“Warren”

“Patrick”

Argh.

Tinanggal ko ang nakasaksak ng earphones sa tenga ko, “Ano ba naman kayo? Kahit full volume na yung pinapakinggan ko eh mas rinig pa rin mga boses nyo. Pakihinaan naman po sana, ano?”

“Tsk. Wag na nga tayo dito. Nagsusungit na naman si Jane. Tara doon” halos sabay sabay pa silang tumayo at lumipat ng mga pwesto.

“Pero si Warren nga ang gwapo”

“Ang kulit mo naman. Si Patrick sabi eh”

Napailing nalang ako as I rolled my eyes. Ayaw tumigil sa pagtatalo. Lagi nalang mga lalaki usapan nila.

Ganito lagi ang routine ko, namin, kapag nandito sa school. Kapag wala pa ang teacher na magtuturo samin, sila puro chismisan, pagandahan, yabangan at kung ano ano pa.

Eh Ako?

Ito lagi lang nasa isang tabi, naka upo, nakikinig ng mga kana habang nagbabasa ng libro o kaya’y magazines. Minsan na lang ako makipaghalubilo sa mga kaklase ko. Simula noong na-heart broken ako…dahil kay Renz.

Simula noong gabi na yun, sabi nila, naging masungit na daw ako. Naging suplada. Tahimik. O kaya mapag isa. Simula daw noong na heart broken ako, lagi daw akong tahimik. Para daw akong EMO. Tsk.

“Madami namang iba jan Jane, maraming papables sa tabi tabi, malay mo isa sa kanila ang para sayo”

“Enjoy life Jane, wag kang magdamdam masyado. He doesn’t deserve your tears’

“Stupid and whore si Renz, my gosh, he used you, dapat idemanda mo sya”

“Jane, we’re here naman for you, wag kana magsungit ha”

“Smile ka lang Jane”

“Ihahanap ka namin ng bagong lalaki, yung pogi at hindi manggagamit ha”

Naalala ko yung mga panahong masyado ang depress dahil sa nangyari. At naaalala ko kung gaano naging supportive yung mga classmates ko.

Nakaka-touch kasi nandyan sila para i-encourage ako, pero ang sama ko. Ang sama ko kasi lagi ko silang sinusungitan. Laging akong nagsusuplada. Kaya ayun, karamihan sa kanila nagalit o kaya ay naiinis na sa akin. Pero sabi ng ilan sa mga bulong bulungan nila na rinig ko naman, “Intindihin nyo na lang si Jane. Kung sa inyo yun nangyari baka maloka kayo no”

Loving That GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon