Kabanata Dalawa: [My Hero is masungit]

150 4 0
                                    

KABANATA DALAWA: [My Hero Is Masungit]

“Isang baso pa ngang vodka” order ko dun sa bartender.

Nakakaramdam ako ng konting hilo. Umiepekto na kasi siguro yung alak. Hahaha. Natutunan kong uminom ng alak. Alak lang ang solusyon para kahit papano eh makalimutan ko si Ron. Kahit saglit lang.

Kahit na nakaka-move on na ako eh naiisip ko pa rin kasi sya eh. Lalo na at wala na kaming nababalitaan tungkol sa kanya. Ano na kayang nangyayari sayo ngayon Renz?

Ay. Erase erase. Ano kaba Jane? Kalimutan mo na nga ng tuluyan si Renz.

Niloko ka lang nya.

Ginawang pampalipas oras.

Kinuha ang virginity.

Ang sama sama nya talaga.

Ma-rape sana sya ng mga bading, mga alien na bading at isama sya papuntang Pluto.

O kaya naman eh kunin na sya nung lalaking nakabalot sa itim na damit at may dalang kalawit.

Ay. Jane ang bad mo naman ata ngayon. Wag kang ganyan.

Kahit papaano ay may pinagsamahan kayo.

Kahit hindi ka naman nya minahal.

Waaaaaaaaaaaaaahhhhh.

Naiiyak na naman ako.

Kaylangan ko na talaga syang kalimutan ng tuluyan.

Ayoko ng magmahal.  Never na akong magmamahal pang muli. Capital N-E-V-E-R.

Takot na akong masaktan pa.

Magmadre na lang kaya ako?

Ay, ayoko naman ng ganon. Basta hindi na ako magmamahal pang muli. Mas gugustuhin ko pang tumandang dalaga kesa ang masaktan at magmukhang tanga ulit.

Inabot sa akin nung bartender yung order ko. Tumayo ako at naglakad papalayo habang hawak hawak ko yung baso kong may alak. Gegewang gewang akong naglalakad.

Ilang saglit lang eh naramdaman kong may humawak sa bewang ko kaya lumingon ako para maharap ko sya. Hindi ko naman makita kung ng maayos kung sino sya dahil may kadiliman sa pwesto ko at nakakaramdam na ako ng hilo.

Isinandal nya ako sa pader. Kinuha nya sa akin yung hawak kong baso at inilagay sa kung saan man yun. Naramdaman kong hinahawakan na nya ako sa legs ko at hinahalikan na nya ako sa leeg.

“Ano ba? Bitawan mo nga ako manyak ka. BASTOS~ ” galit kong sabi habang tinutulak tulak ko sya. “Tsk. Pwede ba, wag kana ngang pakipot. Mag eenjoy tayo wag kang mag alala” nang aakit nyang sabi sa akin.

“Bitawan mo ako.. somebody help me” paulit ulit ko syang itinutulak papalayo sa akin. Pero sadyang malakas sya. At wala man lang atang pumapansin sa amin. “BITAWAN MO AKO” sigaw ko sa kanya at tinapakan ko yung paa nya.

---

Sino itong matangkad na nilalang sa harapan ko ngayon?

“Babae okay ka lang?” tanong nya ulit sa akin. Nahihilo na talaga ako at unti unting nanlalabo ang paningin ko hanggang sa napaupo na ako sa sahig.

Naramdaman ko namang hinawakan ako nung matangkad na lalaki sa mga braso na tila ba’y inaalalayan ako.

*brzzzzz*

Loving That GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon