Kabanata Lima: [Meet My Hero, Patrick]

119 4 0
  • Dedicated kay Patrick Hector Guevarra
                                    

Kabanata Lima: [Meet my Hero, Patrick]

Pumasok na ako sa loob ng kwarto. Pagkapasok ko eh nakita ko yung mga players na nagkumpulan habang pinagkakaguluhan si Ellaine. Aba! Kilala pala nila ang pinsan ko?

“Tol, nililigawan mo ba talaga tong si Ellaine o sinagot kana nya?” tanong nung isa nilang kasama tapos lahat sila inaasar na yung dalawa.

In fairness, gwapo pala talaga itong si Erol kapag tinignan ng malapitan. Mukhang wala naman sa itsura nya na sasaktan nya si pinsan. Pero hindi dapat ako basta basta mapanatag. Nadala na ako sa mala-inosenteng mukha.

“Eh alam nyo kasi… ang totoo nyan…” napakamot naman ng ulo si Erol na parang nahihiya. Tumingin naman ako sa pinsan kong nakangiti lang pero alam kong sa loob nyan eh kilig na kilig na kulang nalang eh mapaihi sa kinauupuan nya ngayon habang katabi si Erol.

Para silang nasa hot seat. Magkatabi silang nakaupo sa isang plastic na bench habang pinapalibutan ng mga ka-team mates ni Erol na akala mo eh parang ini-interrogate sila.

“Ano na? Ano ba yan.. pabitin tong si Erol eh”

“Oo nga pare. Anon a? Sagot na”

“Nak ng putcha, natotorpe si tol”

“HAHAHAHA”

“Mukhang maa-under pa ata itong si Erol”

“HAHAHAHA” tumawa silang lahat.

Pati ako napatawa rin. Nga pala, hindi nila ako napapansin. Lahat kasi sila nakatalikod sa akin eh at busy-ing busy sa interrogation na nagaganap.

 “Oona.Kamina.KaminaniEllaine.Anomasayanakayo?Masayanakayo?” dire-diretsong salita at pag-amin ni Erol na ikinalakas ulit ng tawa naming lahat. Pulang pula sa hiya si Erol habang pati si Ellaine at tawa din ng tawa.

“Hahaha! Nae-ewan si Erol oh. Parang kamatis na sa pula”

“Putcha, kinikilig si Erol”

“Binata na!”

“HAHAHAHA”

Tawa kami ng tawa. Ang saya naman. Parang ngayon palang ata ako tumawa ng ganito.

Hindi ko namalayan na ako nalang pala ang tumatawa. Tawa lang ako ng tawa. Parang ewan na ata ako sa kakatawa ng mapansin kong ako nalang pala ang tumatawa. Humina bigla ang pagtawa ko at nahihiyang tumingin sa kanilang lahat na titig na titig angmga mata nila sa akin.

Tumahimik ang paligid. Ano bay an? Nakakahiya naman. Huhu. Gosh, sahig lamunin mo na ako. Nakakhiya talaga.

They’re all looking at me as if they’re eyes are telling na, “Who is she?” “What is she doing here?”

Nabasag ang katahimikan ng biglang nagsalita si pinsan, “Jane”

Binigyan ko sya ng isang nahihiyang ngiti, “Hi!”

Nilapitan nya ako at pinulupot ang kamay sa braso ko, “I’m sorry. Nakalimutan ko kasama nga pala kita” bulong nya sa akin habang papalapit kami sa kinuroroonan nila. “Halata nga pinsan” bulong ko sa kanya na may bahid na konti hiya at inis.

Nang makarating na kami sa mga boys eh agad na may nagtanong, “Ellaine, sino yang kasama mo?”

“Oo nga. Sino yang si miss beautiful”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 15, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving That GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon