==========================
Siya si Jose Mari Vic Edrinal, a promising fashion designer sa Pilipinas. Baguhan pa lang sya sa fashion industry pero kinakitaan na ito ng husay at galing sa pagdidisenyo ng mga damit na pambabae. Simula pagkabata ay pangarap na niyang maging isang kilalang fashion designer pero hindi ito naging madali sa buhay nya. Tinutulan ito ng kanyang ama.
Siya si Jose Mari Vic Edrinal - matangkad, gwapo at balingkinitan ang pangangatawan. Isa siyang matalino, mabait, masiyahin at pala-kaibigan na tao. Isa siyang......beki.
Oo.........siya ay isang beki, beks, bading, badaf, girlash, girlalu o bakla. VICE ang tawag sa kanya ng mga matatalik niyang kaibigan. Vice ay hango sa kanyang pangalan na Vic at ang unang letra ng kanyang apelyido. Vice ang kanyang beki name at VICE G o di kaya ay VG ang naisip niyang ipangalan sa designer collection na gawa nya.
Bata pa lang siya ay alam na nyang may kakaiba na sa kanyang pagkatao. Mas gusto nya noon na maglaro ng bahay-bahayan sa mga kaibigang babae kaysa magbaril-barilan sa mga pinsan nyang mga lalaki.
Ang kanyang pagiging isang bakla ang naging dahilan ng pagkakalayo ng damdamin ng kanyang ama sa kanya.
Hindi naging madali ang kanyang paglaki dahil galit at kinamuhian sya ng kanyang sariling ama dahil sa malambot niyang pagkilos at pag-uugali.
Isang pulis ang kanyang ama at sa isip nito ang pagkaroon ng anak na bakla ay isang kahihiyan sa pamilya. Dumaan sa pagpapahirap, pambubugbog at panlalait si Vice sa kanyang paglaki. Ito kasi ang naisip na paraan ng kanyang ama upang mabago, maituwid at maging isang ganap na lalaki si Vice.
Ang ina niya lamang ang tanging naka-unawa sa kanya at ito madalas ang tinatakbuhan nya sa tuwing sinasaktan siya. Pero wala ring nagawa ang nanay Rosario niya dahil ang ama niya ang naging batas sa kanilang tahanan.
Pinilit ni Vice na matanggap at mahalin siya ng kanyang ama. Matagal na panahon niyang sinubukang itago ang kanyang pagiging bakla. In fact, nagkaroon pa siya ng girlfriend nung nasa high school siya para mapatunayan na nagbago na siya. Sa kolehiyo naman ay napabilang siya sa basketball varsity team ng isang unibersidad. Sa isang banda, ang paglalaro ng basketball ay malaking tulong din sa kanya dahil napasok siya bilang scholar sa kolehiyo. Matalino si Vice pero ang pagiging atleta nya ang naging daan para makapagtapos siya sa pag-aaral dahil mahirap lang sila.
Pulis ang kanyang ama at isang butihing maybahay naman ang kanyang ina. Hindi na nakapagtapos ng kolehiyo si Nanay Rosario na kanyang ina dahil maaga itong nakapag asawa at nagkaroon ng limang sunod sunod na anak. Si Vice ang pangalawa sa panganay.
Nasa huling taon na sa kolehiyo si Vice nang nangyari ang biglaang pagkamatay ng kanyang ama. Nabaril ito habang may tinutugis na kriminal. Isang malaking dagok ito sa kanyang buhay dahil hindi niya alam kung tunay na nagka-ayos na sila ng kanyang ama. He wanted so much to tell his dad na mahal niya ito sa kabila ng lahat na nangyari sa kanila. Hindi na siya nabigyan pa ng pagkakataong makausap man lang ito before ito pumanaw. He felt incomplete...guilty....unsure....lost. Pero kinailangan niyang isantabi muna ang nararamdaman niya at maging matatag para sa kanyang ina at mga kapatid.
Ilang taon din ang lumipas at nakapagpatayo sila ng kanyang pamilya ng isang maliit na tindahan na ikinabubuhay nila. Pinagtuonan niya ito ng pansin pero siya ay naging balisa at para bang may iba pa siyang gustong gawin other than magbantay ng tindahan.
Lumuwas sya ng Manila at nagtatrabaho bilang isang assistant sales manager sa isang private company sa Makati ngunit tila hindi siya naging masaya sa trabaho niya. Alam niya sa sarili niya na iba ang gusto niya sa buhay. Ito ang naging hudyat ng pagbabago ng kanyang buhay. Malaya na siyang mangarap. Napukaw sa kanya ang pangarap na maging isang fashion icon sa bansa. May kumpyansa sya sa kanyang sarili at alam niya ito ang passion niya sa buhay.
Sa una ay hindi naging madali dahil kinailangan niya na magkaroon ng connections para mapansin ang mga designs nya. At dito na pumasok ang malaking tulong ng kanyang barkada sa college na sina Ted and Vince. Sila ang nag introduce sa kanya kay Bern na anak ng may-ari ng kumpanya kung saan siya nagtatrabaho. Si Bern ay naging barkada din nya. Si Bern ang nag-introduce sa kanya sa high society.
Sina Vince at Ted ang kasama niya sa basketball varsity team nung college at laking pasalamat niya na tinanggap buong pagkatao niya nung nalantad na isa pala siyang bakla. Natandaan pa niya na puno siya noon ng kantyaw at pangungutya ng malaman ng buong unibersidad na ang kinikilalang heartthrob sa basketball court ay isa palang bakla.
Sa kasalukuyan ay nakahiga sya sa kanyang kama na nakatagilid at nakayakap sa isang unan na parang tina-try na i-comfort yung sarili habang inaalala ang nakaraan. Naputol lang ang kanyang pag-iisip ng may biglang kumatok sa pintuan ng kwarto niya.
BINABASA MO ANG
ISLA AMORE || Vicerylle
FanfictionLove isn't something you find.. Love is something that finds you.