Chapter 11 : The Matchmaker

123 5 2
                                    

Nakasilip pa si Aling Fe sa pintuan at tila ba nakikinig sa kung ano ang pinag-uusapan ng dalawang taong nasa loob ng kwarto. May ngiti pa sa labi ni Aling Fe na tila kinikilig habang nagmamasid ng biglang...

Mang Juan :   Hoy ! .... Sabay tapik sa balikat ni Aling Fe.

Aling Fe :   (nagulat sa biglang pagsulpot ng asawa at medyo nahiya sa ginawang patagong pagmamasid) Ay kabayo! Ano ba?!?

Mang Juan :   (pabulong na pagkasabi) Oo nga ano ba ginagawa mo dyan. Mamaya makita ka pa dyan. Ano ba meron?

Aling Fe :   Asus! Gusto mo din naman pala malaman.

Mang Juan :  Hoy! Tanghali na. Halika na. Mamalengke pa tayo.

Aling Fe :  Teka lang! Sandali... Naku bagay na bagay talaga silang dalawa. Tingnan mo oh....

Mang Juan :  Sino? (sabay singit at silip sa nakabukas na pinto) Sina Sir Vice ba at Mam Karylle ba kamo?

Aling Fe :   Mismo....

Mang Jun :   Eh di ba bakla itong si Sir?

Aling Fe :  Ano ka ba magbabago din yan. di naman talagang bakla tingnan itong si Sir Vice eh. At saka di mo ba nakikita mga tinginan nila at kilos. Kahit pa nung unang pagkikita nila pakiramdam ko may kakaiba na sa dalawang ito. At saka di ba yung anak nung kapitbahay natin sa bayan noon eh baklitang baklita yun pero ngayon nagbago at nag asawa pa kaya may pag asa pa itong si Sir. Konting tulong at tulak lang at PAK tumpak.

Mang Juan  :   Ano ba pinagsasabi mo. At saka wag ka nga makialam dyan sa buhay nila. Mamaya diyan mapapagalitan pa tayo nyan ni Mam Yna sa pinaggagawa mo.

Aling Fe :  Ahaaaah.....diyan ka nagkakamali tumawag si Inday Yna at nakausap pa nga itong si Sir Vice.....at alam mo ba....

Mang Juan  :   Ano? ( naintriga na din)

Aling Fe  :   Pinasa ko kasi kay Sir Vice yung cellphone kaya nakausap niya mismo si Mam Yna. Nasa abroad pa kasi si Inday Yna nagshoo- shooting daw ng bagong pelikula niya kaya di siya makapunta agad dito para tulungan itong si Karylle. At narinig ko lang ha na binilin yata kay Sir Vice itong pag aalaga kay Mam Karylle.

Mang Juan :  Ayon...... Ginawa mo pang yaya itong si Sir.

Aling Fe :  Hindi.....ibig sabihin nun mas magkakalapit pa itong dalawang ito. Hihihi ......(kinikilig)

Mang Juan :  Hoy tama na yan ha. Tanghali na. Halika na...... (Sabay hila kay Aling Fe at dahan dahan na sinara yung pinto)

Aling Fe  :  Ah basta... Itaga mo sa bato....magiging sila din....

Naglalakad na palabas ng hospital yung mag asawa para mamalengke pero nakangiti pa rin itong si Aling Fe na parang may iniisip na nakakakiliti sa kanya. Ang pagtagpo nina Vice at Karylle sa Isla Amore ay hindi isang chance meeting lang...... (sa isip ni Aling Fe) Magkakaroon na naman yata ng bagong pag iibigan sa Isla. Naku.....exciting to. Sila na kaya ang susunod na napili ng Isla para paibigin?  Hhmmmmmm........

ISLA AMORE  || VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon