Karylle just finished a gruelling three hour meeting with the Project Management,Legal and Sales teams ng Madrigal Company para ayusin ang gusot sa plano ng kumpanya na bilhin ang isang malaking lupain sa Cebu. The said land property ay malapit mismo sa Madrigal Hotel ng Cebu branch at beachfront pa ito. Isa kasi itong bagong project na pinagtutuunan ng pansin ni Karylle. Na-envision na niya sa isip niya ang expansion and kung ano pa pwede niya gawin para mapaganda at maturingang bago at kakaiba sa ibang hotels sa bansa. World class yung dating.
Nag-aayos ng mga documents si Anne at nililigpit na niya ang mga ito at inilalagay sa portfolio. Kinuha na din niya ang laptop at nilagay sa isang bag.
Anne : Miss Karylle, may nagpadala po pala ng mga bulaklak sa inyo. Nasa office ninyo po sa taas. Pasensya na at di kita nasabihan kanina. Nakita ko kasi na busy ka.
Karylle : Ha? Bago yan ah. Tagal na ng walang nagpapadala ng bulaklak sa akin.
Anne : Ooooiiii...Miss Kay. May bagong manliligaw ka yata.
Karyllle : Haaaiiist...I think eto na yung sinasabi ni Mommy na manliligaw. Ang bilis naman. Di pa ako handa. Ano ba yan. Sabi ni Mommy dapat magpaligaw ako.
Anne : (natatawa) Miss Karylle kung alam lang nila kung gaano ka kakenkay naku marami ang pipila para hingin kamay ninyo. Eh kaso natatakot po sila sa inyo. Hihihihi...
Karylle : Alam mo ba kung kanino galing yung mga bulaklak?
Anne : May card po. Eto po. Di ko po binasa.
Karylle : Ano to? (opens small envelope and reads what was written in the card inside) Kay my love, Take care, your Love. Hmmmmm....my love agad tapos your love? Sino ito?
Karylle thought for a moment and then blushed. 'Si Vice kaya ito? Galing ba to sa kanya?' She looked at Anne and asked,
Karylle : Anne, anong klaseng bulaklak ba?
Anne : Red roses po. Mga siguro three dozens. Parang mamahalin. Kilala niyo po ba kung sino siya?
Karylle : You know what? May perks din naman yung pag nililigawan ka kasi nakakakilig lalo na if you think na galing sa taong gusto mo din.
Karylle (POV) : (Karylle thought of Vice at that moment) Alam na kaya ni Vice na andito siya sa Hotel Madrigal? Di ba andito din siya sa hotel? Nasa may second floor kung saan nandoon ang malalaking ballrooms and conference rooms. Swimsuit pictorials na yata bukas ng mga candidates and baka andiyan si Vice para personal na aasikasuhin ang mga gagamitin ng pageant contestants. Pwede ko kaya tingnan siya discreetly. Well, pwede ko din siguro siya sorpresahin. Anong oras na ba?
Anne : Miss Karylle? Okay lang po ba kayo? Tinatawag po kita kasi nandiyan po si Sir Raymond nagyayaya na naman kung pwede daw mag dinner kayo mamaya.
Karylle : Huh? Sorry, Anne. May iniisip lang kasi ako. Ano yon?
Anne : Dinner daw sabi ni Sir Raymond. Tumawag siya kanina sa akin. Naka-silent yata phone mo kanina during the meeting kaya siguro di mo nakuha tawag niya.
Karylle : Ito talagang si Raymond oh. Kasa-kasama ko naman siya sa meeting. Bat di na lang ako kina-usap kanina.
Anne : Miss Kay, pasensiya na pero tanong ko lang. Di ba kababata ninyo siya? Di ba siya nanliligaw sa inyo po?
Karylle : Hindi ah. At walang gusto siya sa akin. Childhood friend kaya kami close. Besides, may gusto sa kanya si June, stepsister ko. Anne....anong oras na ba?
BINABASA MO ANG
ISLA AMORE || Vicerylle
FanfictionLove isn't something you find.. Love is something that finds you.