Prologue
"Xandrea.. malapit na tayo. Konti na lang..."sabi ng isang lalaki habang inaalayan ang isang babae upang makalakad at sa kabilang kamay naman ay tangan ang isang sanggol.
"H-hindi ko na k-kaya.."nanghihinang tugon ng babae at bumagsak sa lupa na nagdulot ng pagkawala ng balanse ng lalaki. "Xandrea, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito.
*BANG
*BANG
Dalawang putok ng baril ang kanilang baril. Hudyat 'yun na papalapit na ang mga taong humahabol sa kanila. "Kaya mo pa bang tumayo?" tanong ng lalaki at saglit na hindi nagsalita ang babae.
"T-Tama na.. ayoko ng t-tumakbo.. a-ayoko na s-silang takasan...ako ang k-kailangan nila.. at titigil lang sila 'pag napatay na nila ako.." may mga luhang tumulo sa pisngi ng babae.
"H'wag mong sabihin yan. Nangako ako kay Kairin na hindi ko kayo pababayaan at lalong hindi mo pwedeng isakripisyo ang sarili mo." Tugon ng lalaki, bakas ang lungkot sa nangyayari. Gusto niyang tuparin ang pangako niya sa kaibigan at hindi niya rin kayang iwanan ang babae. Ayaw niya itong mamamatay.
"Lahat kaya kong gawin para sa anak ko.. mas mahalaga ang kaligtasan niya, mas mahalaga ang buhay ng anak ko kaysa sa mamatay-tao niyang mga magulang..h-hindi niya dapat 'to maranasan..hindi siya dapat mamatay.."muling hinawakan ng babae ang sanggol.. tinitigan niya ito.. pinanuod habang himbing sa pagtulog. Kahawig niya ang kanyang ama- isip niya at napangiti habang dinadama ang malilit nitong kamay.
"Pero h-h.."
*BANG
"Wala ng oras! Iligtas mo siya, nakikiusap ako.." tumulo ang mga luha niya habang inaabot sa lalaki ang sanggol. Ayaw man niyang bitawan ang sanggol pero wala ng natitirang paraan.
"X-Xandrea.." at kinarga ng lalaki ang sanggol. Masakit sa kanya ang pag-iwan sa babae pero alam niyang ito ang gusto nito at hindi niya ito mapipilit sumama sa kanya.
"Palakihin mo siya ng malayo sa mundong ginagalawan natin..Alam kong darating ang panahon na hahanapin siya nila...dahil sa dugong nanalaytay sa mga ugat niya....at sa oras na 'yun siguraduhin mong handa na siya para harapin sila..."
"Gagawin ko ang lahat.. Xandrea..makakaasa ka.."
"S-Salamat..."ngumiti siya dahil sa pagpayag ng kaibigan.. at ngayon alam niyang ilang minuto na lang at matutuntun na sila ng mga humahabol. Tumayo na siya at kinuha ang inaabot na baril ng lalaki.
*BANG
*BANG
*BANG
Sunod na sunod na putok ng baril ang narinig nila. Andito na sila..
"A-Anak.. mahal na m-mahal ka namin ng ama m-mo... mahal na m-mahal.." singhap ng babae at hinagkan sa huling pagkakataon ang sanggol. Gusto pa sana niyang makita ang paglaki ng anak.. kung anong magiging itsura nito.. kung paano ito magsalita.. ang boses niya.. kung paano ito ngumiti.. gusto niya itong makitang masaya.. pero lahat ng 'yun ay mga pangarap na lang.
Muli siyang tumingin sa lalaki at ngumiti, ito na rin malamang ang huli nilang pagkikita. Naglakad na ito sa kaibang direksyon ng patutunguhan ng lalaki. Nagsimula na ring tumakbo ang lalaki palayo..
*BANG *BANG
..tumakbo palayo sa magulong mundo,..
*BANG
Tumakbo palayo sa buhay na kalapit ang kamatayan..
*BANG
Tumakbo palayo sa mundo ng mga uhaw sa dugo..
At sa dala niyang sanggol nakasalalay ang hinaharap na hindi pa nasusulat..
***
AUTHOR:
How's the prologue guys?
Sana nagustuhan niyo. ^_^
Hmmm. 'Wag po kayong magugulat kung may mga mararahas na eksena o foul words since gangster story nga po ito pero I will try to minimize them kasi ayoko din naman..
No silent readers din kung maari. Vote o comment o parehas, ayos na sakin. XD
Kathryn Bernardo is the protagonist PERIOD! ^_^V
Enjoy reading!
BINABASA MO ANG
The Hidden Monster
Mystery / ThrillerYaxha Meris Andjella. Behind her bewitching beauty lies a horrifying monster. And no matter how hard they try SHE can't be hidden forever.