Yaxha's POV
Ako si Yaxha Meris Andjella. Oo, kakaiba ang pangalan ko dahil na din siguro sa pumapasok ako sa kakaibang school at gumagalaw sa kakaibang mundo.
"Yaxha, andun na sina Eril." Yakag sa akin ni Tim ,short for Timothy Reuben, isang cool geek na katabi ko sa upuan, kasection ko at isa na din sa naging kaibigan ko this semester at kasalukuyan kaming nasa dining hall dahil lunchbreak.
Lumakad na kami papunta sa table na kami lang talaga o grupo lang talaga namin ang naupo. Ewan ko ba pero kahit sa pagkain may seating arrangement ang mga estudyante dito.
Naglakad na kami at naabutan ko na may pinaglalaruang black pocket knife na may salitang Chimaera si Homer. "No deadly weapons are allowed here." Sabi ko ng makalapit na kami sa kanila sabay upo.
"It's allowed as long as nobody gets hurt." Nakangiti niyang sabi at ipinasok ang pocket knife. I smirked and he smiled, ito kasi lagi ang pambati ko sa kanya. ^_^
Siya si Homer Clemens Adeo, ang kaklase ko for more than 2 years and he's not a nobody. He's one of the top ranks in the other side of the society. So yeah, he's gangster same as Eril Dea Sumner. They are known as The Chimaera. At madami na din silang alagad or disciples kung tawagin. At kahit mga gangsters sila, I know mabubuti silang tao. CHos. XD
Kaklase ko sila Homer at Eril for three consecutive semesters kaya kami naging ganito ka- kaclose. At mabait sila sa akin. Pero ngayon nagkaiba kami ng section dahil sa random ang sectioning, parehas silang A ni Homer at ako naman ay sa C, dun ko naman nakilala si Tim. ^_^V
"Happy birthday Eril!!"- bati ko kay Eril at inaabot ang dalawang box na may lamang accessories and stuff na ako mismo ang gumawa kaya medyo puyat ako.
"WAaaaah!! Loveyou Best!! The best ka talaga! Ang ganda naman nito!! (/*O*)/" Agad niya kasing binuksan ang kahon at inilabas ang isang bracelet na may dream catcher.
"Haha, buti naman nagustuhan mo."
"Thank you talaga Yaxha pati na 'tong mga hair pin!! Ang CUTEE!!!" Masayang sabi ni Eril.
"Birthday mo naman e. Simple nga lang e, sensya na ha."
"Ano ka ba! Ang ganda kaya ng gift mo! Pinaghirapan talaga. ^O^"
Sweet person talaga si Eril at mas pinapahalagahan niya ang may mga sentimental value. Masayahin siya at palatawa, hindi nga ako makapaniwala na gangster siya nung una e. Matapos niyang isukat lahat ng hairpin ay nagsimula na kaming kumain.
BINABASA MO ANG
The Hidden Monster
Mystery / ThrillerYaxha Meris Andjella. Behind her bewitching beauty lies a horrifying monster. And no matter how hard they try SHE can't be hidden forever.