Yaxha's POV
May hindi tama kay Xander. Hindi ko alam kung ano yun pero parang may mali.
Sino ba talaga si Xander at bakit ako ang pinupunterya niya?
Habang nagiisip ng totoong motibo ni Xander ay napadaan ako sa isang bakanteng kwarto sa east wing. Bukas ang ilaw sa bandang unahan ng classroom at sarado sa likod. Nakarinig ako ng mga boses. Lumapit ako para tignan dahil baka mga freshmen yun na gumagamit na naman ng drugs. Hayys. Mga pasaway. Sumilip ako sa glass malapit sa may pinto.
"This is the night right?" sambit ng isang matangkad na lalaki na nakasandal sa pader.
"Yes.. It's gonna be one of the most satisfying bloody night." Tinig ng isang babae na nakatalikod.
"I bet hindi na siya makaintay.." tugon ng isa pang lalaki na kumuha ng lighter sa bulsa at nagsigarilyo.
Hindi maliwanag sa loob ng kwarto at hindi ko din makita ang kanilang mga mukha pero ramdam ko na hindi sila pangkaraniwan. Smoking is not allowed inside the classroom kaya kailangan ko silang pasukin. At alam ko din na gangster sila hindi ko lang alam kung sino. At base sa usapan nila, they're also killers. *gulp
'...one of the most satisfying bloody night.'
Bubuksan ko na sana ang pinto nang biglang may humawak sa balikat ko na nakapagpatayo ng mga balahibo ko.
"You scared me Timothy." Makapigil hininga kong tugon kay Timothy. Uggh.
"Sorry. Yaxha pero tinatatawag ka na ni Alex may paguusapan daw kayo." Tugon ni Timothy. Alex, siya ang head ng Honor Society. His father is one of the notable scientist working for my father.
"Aahh, ganoon ba. Saglit lang, may naninigarilyo kasi sa loob pagsasabihan ko lang." I told him.Binuksan ko ang pinto pero walang tao pag pasok ko. Binuksan ko ang ilaw pero wala talagang tao. Tinungo ko din ang isa pang pinto na pwedeng labasan at pasukan at binuksan 'yun, walang tao sa hallway.
"Hmmm, walang tao?" tanong ni Tim.
Nakakapagtaka. Sobra naman ata nilang bilis kung sa isang saglit lang ay nakaalis agad sila. Tsk.
***
Mabilis na naubos ang oras sa pagdidiscuss ng mga susunod na activity ng Honor Society. Bale puro board games ang usapan, seminars worth attending na pwede and others purely for academics. Nakakadrain sa iba pero masaya sa part namin. Katabi ko si Evelyn, the math geek and the heart of the Bloodthirsty at grabe lang, can she really be that cruel?
Madalas kong naririnig sa telebisyon, sa balita, ang mga brutal nilang ginagawa. And the worst part is the whole campus knew they've done it but there's no evidence pointing the incidents to them. The school administration planned to kick them out but since they plead not guilty and still minors, they chose to keep them and to warn them that the school will not be held accountable with their illicit behavior. And it's funny because father told me, its part of growing up and its the academy's mission and vision that we must understand them and continue to guide them to the right path. Part of growing up? Minsan nakakatuwa talaga si Papa. Napapangiti na lang ako pag naalala ko 'yun.
BINABASA MO ANG
The Hidden Monster
Mystery / ThrillerYaxha Meris Andjella. Behind her bewitching beauty lies a horrifying monster. And no matter how hard they try SHE can't be hidden forever.