ChapterV

172 18 8
                                    

Yaxha's POV

“Black Beard!!!!” sigaw ni Eril hudyat na simula na.. simula na ang hindi inaasahang madugong laban. Mabilis na naibato ni Eril ang punyal na hawak kay Black Beard at natamaan ito sa pisngi sa pag-ilag.

“Ang lakas rin ng loob mong sugatan ako Red Fox. AHAHAHA. Gusto pa sana kitang turuan ng leksyon para matuto ka pero dahil sa ginawa mo,masasabi kong KAILANGAN MO NG MAG-PAALAM!!” tugon ni Black Beard at ipinutok ang revolver na hawak.

BANNNG!!

 “Eril!!!!!” hindi ko na napigilang sumigaw sa nangyayari. Halos lahat kami ay nparalisa sa tunog ng baril. Hanggang sa nakita na lang namin na bumagsak si Ross sa lupa. Mabilis niyang naitulak si Eril at siya ang natamaan. Dumudugo ang kanyang kaliwang braso at nadaplisan.

Sa sandaling ‘yun, nasaksihan ko kung paano nagbago ang itsura ng mga kalmado at nagsasayang Five Kings kanina sa apple shooting. Muling nagkagulo ang lugar. Sumugod ang The Five Kings patungo kay Black Beard.  Hindi rin nagpahuli ang mga disciples ng Chimaera at agad din silang naglabasan ng armas. Nagsuntukan. Nagbarilan.  Inakay ni Eril si Ross patayo, akma ko silang tatawagin pero bigla silang naglaho ng parang bula. Pumalit sa larawan ang mga duguang katawan. Sa puntong ‘yun hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nanlalamig ako sa nakikita.

Panaginip ba ‘to?

Hindi…

…isa itong malaking bangungot.

Bang!

Apat.

Bang!

Lima..

Limang putok ng baril at wala na akong marinig. Napayuko ako at parang nagdidilim na ang paningin ko.

“Yaxha! Yaxha!” isang lalaki ang tumatawag sakin. Muli akong tumunghay. Si Homer. Tinatawag niya ako. Sumisigaw siya pero hindi ko siya makita. Gusto kong magsalita. Hinanap na siya ng mata ko pero noong makita ko kung anong nangyayari sa paligid, muling nanghina ang mga tuhod ko. Ilang disciples na ng Chimaera at Five Kings ang nakahandusay sa lupa.. pawang wala ng buhay. Hanggang sa may nakabangga sa akin dahilan para matumba ako. Madilim at hindi ko makilala ang taong nakatingin sakin ngayon. Hindi niya ako tinulungang tumayo. At isa lang ang ibigsabihin nun, hindi siya si Homer. Narinig ko ang tunog ng pagkasa ng baril. Tumigil ako sa paghinga at unti-unti akong umaatras, palayo sa taong kaharap ko. Ilan pang atras ko ay itinutok na niya ang baril, malapit sa ulo ko.Npatigil ako sa pag-atras.

The Hidden MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon