Ashley's POVI'm Ashley Danielle Schultz 16 years old, nakatira ako sa isang buhay na puno ng pagdurusa kasi naman kung maka utos sila sa akin wagas parang Hindi ako kabilang sa pamilya nila
"Ashley!!!!!! "- sigaw ng bruha kung kapatid
Pumunta naman ako sa kinaroroonan niya at na abotan no siya sa kwarto niya na nagpaganda.. Para na nga siyang clown sa kapal ng make up niya
"Bakit? "- ako
"Bilhan mo nga ako ng make up , dapat ganitong make up ha"- siya at pinakita sa akin ang pangalan ng uri ng make up niya
"Pera?"- frustrate na pagkakasabi ko
"Labag ba sa loob mo ang ipinag utos ko parang ayaw mo ha"- galit na sabi niya
"Ganito lang talaga ako sa tagal ko na dito hindi mo pa rin lubusang alam ang expression sa mukha ko?"- ako
"Tssk di bale na , mang hingi ka kay mommy ng pera"- siya at inirapan ako ... Lumabas na lang ako sa kwarto niya at pumunta sa kwarto ni mommy
Kumatok muna ako bago tuluyang pumasok, pagkapasok ko ay naabutan ko naman siya na busy sa laptop niya , sure ako business na naman yan
"Mom, sabi ni ate manghingi daw ako sayo ng pera para sa pinabili niya sa aking make up"- ako
"Kumuha ka dyan sa bag ko at bumili kana rin sa palengke ng mga ingredients para sa lulutuin mo mamaya"- siya habang nakatingin pa din sa laptop
Kumuha nalang ako ng pera sa bag niya at lumabas na
Nagtungo naman ako sa boutique para bumili ng make up pagkatapos ay nagtungo na ako sa palengke... Habang namimili ng mga ingredients ay may biglang kumuha sa pitaka ko
"Magnanakaw!!!!!!!!! Tulong!!!!! Tulong!!!! Magnanakaw"- ako habang sumisigaw kay nasa atensyon ko ang lahat pero parang walang may gustong tumulong .... Tumakbo nalang ako ng tumakbo hanggang sa masundan ko na ang magnanakaw ,
Dahil sa mabilis rin tumakbo ang magnanakaw ay parang nahirapan tuloy akong habulin siya kaya napahinto ako at napahawak sa mga tuhod ko
Nakita ng mga magagandang mata ko ang malalaking bato na nasa gilid ko , medyo malayo na rin ang magnanakaw dahil sa galit ko ay lalapitan ko na sana ang mga bato kaso pagka taas ko ng mga kamay ko accidentally ay biglang lumutang ang mga bato
Nagtataka ako sa nangyayari, pero hindi ko muna ito pinansin dahil kailangan kung makuha ang pitaka ko patay na naman ako nito
Pinalibotan na ako ng mga bato ngayon na lumulutang at sa isang galaw lang ng kamay ko paharap ay bigla nitong inatake ang magnanakaw kaya naka handusay na ngayon ang magnanakaw, agad naman akong tumakbo para kunin ang pitaka ko
Hindi pa rin nawala ang pagtataka ko kung bakit ko nagawang palutangin ang mga bato gamit lang ang kamay ko
Ng makuha ko na ang pitaka ko ay pinagpatuloy ko na ang mamili , pagkatapos ay umuwi na ako para magluto
Pagkatapos kung magluto ay pinuntahan ko na si mommy sa kwarto niya pagkarating ko dun ay narinig ko na nag uusap sila ni ate
"Mom kailan mo sasabihin sa ampon mo na hindi mo siya anak?"- ate
Nagulat naman ako sa sinabi ni ate , kaya pala iba ang pakikitungo nila sa akin, bigla naman akong napakuyom sa kamao ko sa sunod kung narinig
"Wag kang mag alala sasabihin ko rin yun sa kanya, pero nag eenjoy pa akong nakita siyang nahihirapan, malapit na din naman akong magsawa sa kanya at kapag nangyari na yun , ipapatapon ko na siya sa basurahan kung saan siya nanggaling"- mom
Nilapitan ko naman sila na puno ng galit ang aking mga mata , nabigla naman sila at biglang natakot dahil sa inasta ko
"Ba--ba-kit kul-ay red ang mata mo?"- takot na sabi ng demonyong mommy ko, hindi ko pinansin ang sinabi niya
Third person's POV
Dahil sa galit ni ashley ay biglang naging pula ang kanyang mga mata na siyang ikinatakot ng mag ina
Nawala na sa katinuan si ashley na parang hindi niya na alam ang ginagawa niya , itinaas ni ashley ang kanyang mga kamay ng bigla itong nagkaroon ng malaking fire ball sa kanyang magkabilang kamay
Mas lalong natakot ang mag ina sa kanilang nakita ...
"A----as----ashley a--a---no---ng gagawin mo?"- takot na sabi ng mommy niya
"Papatayin ko kayo"- mala demonyong sabi ni ashley, bigla niyang tinapon ang mga fire ball sa cabinet ng mom niya na siyang naging dahilan ng sunog
Naghagis pa si ashley ng mga fire ball kaya napapalibutan na sila ngayon ng apoy , ang mag ina naman ay nahihirapan ng huminga dahil sa apoy na nakapalibutan sa kanila
Bigla namang natauhan si ashley nagulat naman siya sa kanyang nakita
"Anong nangyari dito?? Bakit nasusunog ang bahay?"- ashley
Ashley's POV
Nagulat ako sa aking nakita , nasusunog ang aming bahay sa di ko malamang dahilan ,napatingin ako kina mommy na ngayon ay nahihirapan huminga pero hindi naman ako nahihirapang huminga
"Anong nanyari dito?? Bakit nasusunog ang bahay?"- tanong ko kina mommy
"I--i--kaw a--ang ma--ma--may ga---wa nito"- nahihirapang sabi ni mommy ng bigla itong nahimatay ganun din si ate
Pero nagtataka ako sa sinabi ni mommy , ako daw ang gumawa nito?? Pero paano ko naman ito magagawa? Malaking tanong ang nasa utak ko ngayon ,,nagmadali akong lumabas para humingi ng tulong
Pero pagkalabas ko ay nakita ko ang maraming tao sa harap ng bahay namin
"Siya nga ang babae kanina na pinalutang ang mga bato at alam ko na siya rin ang dahilan kung bakit nasunog ang bahay na yan"- sigaw ng isang lalaki
"Wala akong ginawang masama"- sigaw ko rin sa kanila
"Halimaw!!!!!! Patayin ang halimaw na yan!!!!!""- sigaw nila
Papalapit sila sa akin kaya pumikit nalang ako dahil alam ko ilang sandali nalang ay mamamatay na ako , pero mga ilang sandali ang nakalipas ay wala akong naramdaman at wala na akong ingay na narinig mula sa mga tao kay napagpasyahan kung idilat ang aking mga mata
Pagkadilat ko ay nabigla akong sa aking nasa harapan ngayon...
"Ohhhhh My Goooodddd!!!!!!!!"- ako at napahawak ako sa aking bibig sa sobrang gulat
BINABASA MO ANG
The Princess In Alfea Academy
FantasyShe was born in mortal world pero yan ang akala niya ... In her 17th age she discovers that she have a power (Yan lang muna sa prologue nyo nalang basahin lahat ng details)