Chapter 31 : New Prophecy

4.9K 163 4
                                    


Nandito na ako sa classroom kaklase ko parin ang mga barkada ko noon..  Ewan ko lang kung kaibigan paba ang tingin nila sa akin lalo at iniwan ko sila ng hindi nagpapaalam .. Hindi rin nila ako pinansin... Pinagsawalang bahala ko nalang muna yun








Biglang pumasok ang prof namin kaya nagsiayos na kami sa pag upo... Nilagay niya ang gamit niya sa lamesa pagkatapos ay humarap sa amin


"Good morning class"- Prof


"Good morning sir"- bati din namin... Nakangiti lang si sir at napunta ang tingin niya sa akin




"Welcome back pala courtney"- nakangiting sabi niya




"Salamat po"- ako ..


Buti nalang at hindi na nagtanong ang prof ng kung ano ano dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya





Pagkatapos ng klase ay inayos ko na ang mga gamit ko para pumunta sa cafeteria ... Pagkalabas ng classroom ay biglang may humila sa akin at isinandal ako sa pader





"Bakit ka nawala?"- liam na halata sa mga tuno ng pananalita niya ang galit ganun na rin ang makikita sa kanyang mga mPOV









"Wala kang pakialam"- sabi ko at bahagya siyang tinulak buti nalang at hindi siya gaanong kahigpit ang paghawak niya sa braso ko kaya agad akong nakaalis sa pagkakasandal sa pader.. Tinalikuran ko na siya at aalis na sana ako ng bigla siyang sumigaw









"What the fuck!!! May pakialam ako dahil girlfriend kita!!!!"- sigaw ni liam ... Kaya hinarap ko siya





"Oo!!! Girlfriend mo ako NOON!!!! Pero hindi na ngayon kaya wala kang pakialam kung saang lupalop ako pumunta!!!!"- sigaw ko rin sa kanya








  Nagulat ako ng bigla niyang sinuntok ang pader pero hindi ko pinahalata ang pagkagulat ko ...








"Fuck"- mahinang sabi niya na sakto lang para marinig ko






Tinalikuran ko nalang siya at hahakbang na sana ng bigla ulit siyang magsalita na siyang nagpalambot ng tuhod ko









"Minahal kita ng sobra higit pa sa inaakala mo at mahal parin kita hanggang ngayon kahit na iniwan mo ako pero sa oras na ihahakbang mo ang mga paa mo palayo sa akin ibig sabihin nun hindi mo na ako mahal.. Im willing to set you free kahit labag sa loob ko"- mahinang sabi niya na sakto lang din sa pandinig ko ..









Hindi ko nalang siya pinansin at tuluyang umalis sa lugar na yun






THIRD PERSON'S POV


   Habang sinasabi ni liam ang mga salitang yun ay pinipilit niya ang sarili na huwag umiyak dahil alam niya na ano mang sandali ay babagsak ang mga luha niya







Pagkawala ni courtney sa paningin ni liam ay napaupo nalang si liam sa sahig kasabay ng pagbuhos ng mga luha niya





Ginawa niya ang lahat para hanapin si courtney.. Hindi niya alam kung ano ang nagawa niyang mali kay courtney ... Kaya sa isang taon na pagkawala ni courtney ay ang isang taon ding naging impyerno ang buhay ni liam ...






Palaging naglalasing, bumalik ang dating liam na kilala ng lahat nung bago palang dumating sa buhay niya si courtney








COURTNEY'S POV

  Umuwi nalang ako sa mansyon dahil nawalan na ako ng gana pumasok





The Princess In Alfea AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon