Chapter 22 : Yes

5.4K 172 3
                                    

Ashley's POV


   Nabigla ako ng biglang umilaw na may iba't ibang kulay kasabay nun ang





"SURPRISE!!!!!!!!!!!!!!!"- Sabay sabay nilang sabi ng biglang tumulo ang luha ko habang nakatingin sa nakasulat na happy birthday ashley at may mga pictures din sa akin... Grabe ang ganda ng pagkakagawa nila dito






"Happy birthday ashley"- sabay sabay na bati nila ... Napangiti nalang ako first time ko maramdaman ito at ang sarap sa pakiramdam




"Salamat guys"- ako at ngumiti sa kanila


Nanatili kami dito ... Hanggang sa mag aalas 3 na ng madaling araw kaya napagpasyahan na naming bumalik sa dorm para matulog




Habang naglalakad ay nasa tabi ko si liam kami rin ang sa pinakahuli



"Happy birthday ashley"- sabi niya ng nakangiti



"Salamat"- nakangiting sabi ko



"Pwede bang makausap ka kahit sandali lang"- liam ... Tumango lang ako sa kanya at naglakad na siya kaya sinundan ko siya ang mga kasama naman namin ay nagtungo na sa dorm ... Nandito lang kami sa tambayan namin



"Ash alam kunh sobrang bilis ko pero......"- liam habang nakatingin sa mata ko ...




"Pero?"- ako .. Grabe siya pabitin pa ehh kinakabahan na nga ako dito


"Pwede ba kitang maging girlfriend?"- nabigla ako sa sinabi niya ... Oo nga, sobrang bilis niya pero mahal ko naman kaya ba't ko pa patatagalin




"Yes"- nakangiting sabi ko



  Napangiti naman siya ng malawak na malapit ng umabot aa tenga at niyakap niya ako ng mahigpit niyakap ko rin naman siya... Pagkahiwalay ng yakap namin ay tiningnan niya ako sa mata ganun din ginawa ko hanggang sa dahan dahan niyang binaba ang tingin niya at mukha niya papunta sa labi ko kaya naglapat ang mga labi namin .... Akala ko mabilis na halik lang ngunit bigla niyang ginalaw ang mga labi niya kaya tinugonan ko bawat halik na binigay niya hanggang sa






"Whoooooooooooooo!!!!!!!"-sabay sabay na sigaw ng barkada kasabay ng palakpakan nila .... Nandito pala sila , nakakahiya





"Kanina pa kayo dyan?"- tanong ko habang nakayuko ... Ehhh nakakahiya nga kasi nakita nila ang ginawa namin buti nalang at madilim dito dahil hindi nila makikita ang mukha ko na ngayon ay sobrang pula na






"Tsss"- liam. Siniko ko naman siya dahil bumalik na naman ang pagiging cold niya ... Tumingin siya sa akin pero hindi cold , nag shrugged nalang siya at hinawakan ang kamay ko at tumayo na kami , nakaupo kasi kami kanina sa damuhan







"Tara na "- sabi ko sa kanila at nauna kaming maglakad ni liam .. Binilisan ko kasi ang paglalakad ko dahil nahihiya parin ako at dahil magkahawak kamay kami ni liam ay nahila ko siya pero parang wala lang naman sa kanya hanggang sa nakarating na kami sa harap ng pinto ng dorm namin pero hindi parin naghihiwalay ang mga kamay namin ni liam ...





Nauna ng pumasok ang barkada naiwan kami dito sa labas ... Bibitawan ko na sana ang kamay ko pero hinigpitan niya ang pagkakahawak nito kaya sinamaan ko siya ng tingin






"Bitaw na liam dahil inaantok na ako"- sabi ko sa kanya at napahikab...





Lumapit naman siya sa akin at hinalikan ang noon ko ....

.

"Good night baby sweet dreams and i love you"- malambing na sabi ni lian at binigyan ako ng smack na kiss sa lips






"I love you too"- ako at hinalikan siya sa pisngi... Ngumiti naman siya at binatawan na namin ang pagkakahawak sa aming mga kamay .... Kaya pumasok na ako sa loob ... Pagkasara ng pinto ay napasandal ako sa likod ng pinto habang nakangiti








"Explain"- ma awtoridad na pagkakasabi ni shenae... Nandito silang lima sa harapan ko na seryosong nakatingin sa akin






"Huh? Anong ibig mong sabihin? At akala ko ba tulog na kayo"- pagtatakang tanong ko sa kanila






"Mag paliwanag ka tungkol sa inyo ni liam"- seryosonh sabi ni shenae ... Siya talaga ang parang nanay sa amin kung makaasta... Pero okay lang naman mahal ko naman yan







At yun nga kinwento ko sa kanila tungkol sa pag confessed ni lian hanggang sa nanligaw ito at yun nga sinagot ko na siya at ang mga reaction ng mga bruha parang nangningning ang mga mata

.



"Waaaaaaaaaahhhhhhh!!!!!"- tili nila

"Ang kilig naman nun!!!!"- tili ni jessa





"Ang sweet niya pala!!!"- jessica ... At ganun lang ang mha sinasabi nila



"Sige na guys matulog na tayo"- sabi ko


"Oo nga pala, may party pa pala tayo na pupuntahan mamaya"- sabi ni shenae ... Siya lang kasi ang palasalita ....




"Huh? Anong party?"- pagtatakang tanong ko ...



"Diba birthday din ngayon ni princess courtney ang prinsesa ng domino"- sabi ni shenae .... Tahimik lang ang apat halatang inaantok





"Mamaya nalang natin yan pag usapan, matulog muna tayo"- sabi ni adriana


"Sige , salamat pala guys sa pag surpresa niyo sa akin"- sabi ko bago tuluyang pumasok sa kwarto ko ... Ngumiti lang naman sila sa akin at nagsipasukan na sa kani kanilang kwarto






--------------------

(Short update guys... Tinatamad ang author)

The Princess In Alfea AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon