Chappy 2

9.2K 423 35
                                    


"Dito na muna kayo matulog mamaya sa kwarto ng panganay kong anak na nasa ibang bansa ngayon." Ma'am said as we followed her.

3 minutes ago nang makarating kami rito sa bahay nila at dala-dala ang mga naimpake naming mga gamit at libro, ay kasalukuyang iginigiya niya kami papasok ng isang silid na may isang may kalakihang kama, isang TV, at mga natural na kagamitang makikita mo sa isang bedroom.

"Ang banyo ay kaharap lang ng kwartong ito, kung may ibang kailangan pa kayo't gustong itanong ay sa salas niyo lang ako makikita. I'll check on you..." Napatingin siya sa suot niyang relo, "I'll check on you after 30 minutes. Pagkatapos niyong maipwesto ang mga gamit niyo ay gusto kong magsimula na rin kayong magreview. Walang oras dapat tayong sinasayang. Sobrang malapit na ang quiz at sobrang delayed narin tayo sa paghahanda. Please do your best to make me proud, girls." 

"Yes, Ma'am." Kapwa nakangiting sagot namin sa kanya. Ngiti lang din ang ibinigay niyang sagot sa amin bago niya kami iniwan.

Dahan-dahan akong napatingin kay Shaheen. Hindi ko alam bakit... Siguro kasi awkward lang talaga na magtatabi kami sa iisang kama pagkatapos naming magreview mamaya?

"You sleep on the floor later." Matigas at may diing sabi niya agad. Kahit hindi siya nakatingin sa akin ay pansin ko pang nakataas 'yong isang kilay niya.

Matindi ha. Tapos siya sa kama? Eh di wow!

"I'll sleep on the floor if you'll sleep on the floor on the other side of the bed, too." Mataray na sagot ko sa kanya. Napaharap naman siya sa akin.

Jusko ba't ang ganda niya na naman ngayon?

Para hindi halatang naii-starstruck ako ay itinaas ko na rin 'yong isang kilay ko para pareho kami.

"Excuse me? Sa ganda kong 'to, sa floor mo ako patutulugin?" Di makapaniwalang tanong niya.

"Ay wow lang Shaheen ha. May nakalagay bang signage dyan sa itaas ng kama na MAGAGANDA LANG ANG PWEDE MATULOG DITO?!"

Hindi naman ako pangit ah! Masapak ko siya dyan e. Ay joke! Di ko kaya. Kiss ko na lang siya, mas mabuti pa. Pero eww Lysanne! Ano ba 'yang mga pinansasabi mo?! Maghunos-dili ka nga! Babae 'yan! Hindi lang basta babae, si Shaheen 'yan!

"So anong gusto mo? Magtabi tayo?!" Naiirita niya ng tanong sa akin.

"May other choice ka pa ba?!" Naiinis na sagot ko na rin sa kanya.

"There's no way I'm going to share that bed with you!"

"Aba, ako rin 'no!" Sabi ko sabay bulong ng, "Mabahiran pa ng kulay ang kainosentehan ko."

Hindi ko ito sasabihin kasi gusto ko naring makisabay sa kanila ha. Wala akong plano. At AYAW KO. Pero imposible naman kasing sa sexy at sa ganda ng katawan niyang 'yan ay hindi pa siya nagagalaw. Ewan ko ba, feeling ko nga ako na lang ang virgin sa batch namin e! Pati na rin mga bakla kong bestfriends ay hindi na virgin. Hay naku.

"Excuse me, may sinasabi ka?" Nag-uusisa niyang tanong.

"Wala po, mahal na prinsesa. Ang sabi ko po ay tulungan na kita dyan sa mga dala mo nang makapagsimula na po tayong mag review." Sagot ko sa kanya. At bago pa man niya mai-iwas ang dala-dala niyang tatlong malalaki at makakapal na mga libro sa kanang kamay niya ay nakuha at nabitbit ko na 'yon.

Inilalapag ko na 'yon sa may kalakihan na ring study table roon nang mapansin kong lumambot bigla 'yong mga titig niya sa akin.  

"What?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Mautak Na PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon