Chappy 3

8.9K 449 56
                                    


Time check - 10:30 PM

Patuloy pa rin kami sa tahimik na pagre-review namin nang bulabugin kami ng tatlong magkakasunod na katok mula sa nakasarang pinto. Bumukas 'yon at iniluwa roon ang isang magandang nilalang.

Si Layla Madey. Anak siya ni Ma'am at ka schoolmate rin namin. She's one year younger than us, a Junior. Bukod dun, siya rin ang Vice President ko sa Science, English, at Filipino Clubs.

"Uhm, ipinapapabigay pala ni Mommy sa inyo." Sabay abot niya nung mga checked test papers namin. "Pinapasabi na rin ni Mommy na matulog at magpahinga na rin daw muna kayo. Bukas niyo na raw ulit ipagpatuloy ang pag-aaral. Hindi raw kayo papasok ng buong araw. Siya na raw ang bahalang mag-excuse sa inyong dalawa."

"Okay. Bakit ikaw ang inutusan niya?" Hindi ko naiwasang itanong.

"Nagmamadali silang umalis ni Daddy kanina eh. Hindi ko alam kung saan pupunta."

"I see. Okay, thank you."

"Walang anuman, Pres." Magalang na sagot niya sa akin. "Ate Sha, una na po ako sa inyo." Paalam niya sa aming dalawa ngunit kay Shaheen lang nakaharap.

"Sige. Good night, Leyla." Nakangiting sagot naman sa kanya ni Shaheen.

Kita mo 'tong babaeng 'to! Ang nice niya sa iba pero pagdating sa akin, ang sungit-sungit niya! Hmpft!

"I got 97 out of 100." Walang emosyong balita niya agad sa akin nang makalabas na si Leyla. Napatingin naman agad ako sa test paper ko.

98! Haha! Ang galing ko talaga!

"96." Sagot ko sa kanya at hindi nagpahalata.

Sinadya ko 'yon para wala na kaming maraming usapan pa. Siya na kung siya na ang hihiga sa kama basta komportable siya. Baka atakihin ulit ng asthma -_-

"Patingin ng test paper mo." Parang nagdududang sabi niya.

Hindi na ako agad nakaiwas dahil mabilis na nakalapit na siya sa akin at aktong aagawin na 'yong test paper ko pero dahil mabilis pa naman ang reflexes ko, nagawa ko pa 'yong itago sa likuran ko.

"Bakit ba?" Kunyari nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Never kitang nalamangan sa lahat ng quizzes, Lysanne! You're always a point or a number higher to me. Kung totoo nga 'yang sinasabi mong 96 ka, lemme see dahil importante sa akin 'to!"

Patay.

"Joke lang, 97 din ako." Pagsisinungaling ko ulit.

"Sabi na." Natigilan siya.

"What?"

"Nagsisinungaling ka." Mabilis niyang sagot.

"H-hindi! 97 talaga ako, Shaheen!" Sabay lunok laway.

Ugh, hindi talaga ako papasa sa acting! Eh paano ba naman kasi ang lapit niya sa akin tapos ayan na naman 'yong titig niyang nakakalusaw!

Paanong hindi siya lalapit sa'yo eh gusto ngang makita 'yang test paper mo! -Singit ni Ego

"Patingin nga ng test paper mo!" Naiinis niya ng utos sa akin.

"Ayoko nga!"

"Bakit ba?!"

"Makikita mo 'yong nakasulat kong buong pangalan."

"And then?!" Bakas sa maganda niyang mukha ang pagkairita.

Mautak Na PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon