Chappy 5

9.4K 391 87
                                    


Pansit. Tinapay. Malamig na tubig sa isang pitsel. Mga plato, and CHOPSTICKS.

Those are the only things you can see on the top of the table. WALANG KANIN, WALANG KUTSARA'T TINIDOR!

"Sorry, girls. We don't eat heavy meal in the morning e." Nakangiting inform sa amin ni Ma'am.

"Uhm, okay lang po." Sagot sa kanya ni Shaheen.

"Salamat nga po pala rito." Pasalamat ko naman.

Hintayin ko na lang matapos si Ma'am, pati na rin ang asawa niya at si Leyla. 'Pag tapos na sila, tsaka na ako kakain. Mukhang nagmamadali na rin naman sila.

"Naku, it's nothing. Please feel at home. Iiwanan ko na muna kayo rito sa bahay ko ha? May mga iniwan din akong books sa table dyan sa salas. Nagpasama ako rito sa asawa kong kumuha ng mga iyon sa library kagabi. Malakas ang loob kong maraming lalabas na questions sa contest bukas na nanggagaling sa mga books na 'yon so please, take time to read and understand." And she's down to her last feed.

"We'll surely do that, Ma'am." Himok naman ni Shaheen sa kanya.

Habang nagto-toothbrush si Ma'am ay tumayo naman na 'yong asawa niya't sumunod na rin si Leyla.

Ang bilis nila kumain!

"Magse-seven na! Mali-late na naman tayo, anak." Sabi ni Ma'am kay Leyla habang naghuhugas ito ng mga pinagkainan nila. "Hmmm, Lysanne & Shaheen," Harap niya naman sa amin. "Alam na ng buong faculty na excused na kayong dalawa sa klase ngayon at bukas. So please do your best. Aagahan ko ang pag-uwi ngayong hapon para mai-review ko pa kayo nang sabay. Do you know the reason why dito ko kayo pinagre-review at hindi na lang mismo sa sarili niyong mga bahay?"

Nagkatinginan muna kami ni Shaheen at sabay na napailing sa kanya.

"Because I want you to help each other. Mayroong alam ang isa na hindi pa nalalaman ng isa..."

Katulad na lang ng pagkahulog ko sa kanya. Naku sigurado, wala siyang kaideya-ideya!

"...sharing of ideas, that's it! The best pair wins if they both know the answer. Hindi okay na 'yong isa lang ang may alam samantalang 'yong isa ay nganga lang, 'di ba? Siyempre 'yong walang alam, magkakaroon ng kutob..."

Oh no, 'wag kang kutoban Shaheen! Baka never mo na talaga akong pansinin pagkatapos ng contest natin. Huhu

"...and then isa-suggest niya dun sa may alam 'yong kutob niya. At 'yong may alam naman, kung hindi pa siya sigurado, papaniwalaan niya rin 'yong sinuggest ni walang alam. Dyan na magsisimula ang pagkakaroon ng mali. Sayang ang points niyo. Dapat pareho kayong sigurado."

Ako lang naman 'yong sigurado eh. One sided love 'to, Ma'am! Shet. Ang pait!

"Ma, tapos na ako rito. Tara na't mali-late na tayo! Hayaan mo na 'yan sila, kaya na 'yan nila. Ang tatalino ng mga 'yan e!" Sabay hila ni Leyla kay Ma'am. Nauna naman ng lumabas 'yong Daddy niya kanina pa. Nakapagpaandar na nga ng kotse sa garahe nila.

"Sige na. Magreview talaga nang maayos ha! Share of ideas din please." Pahabol ni Ma'am bago pa siya tuluyang mahila palabas ni Leyla rito sa loob ng bahay nila.

Hindi ko naiwasang mapatingin kay Shaheen nang marinig ko 'yong mahinang pagtawa niya sa tabi ko.

"Ang kulit lang ni Ma'am, haha." Sabi niya.

"Yeah, sobrang big deal sa kanya itong pagrereview nating dalawa." Natatawang sagot ko na rin sa kanya.

Nakakahawa tawa niya eh. Hay!

Mautak Na PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon