CHAPTER #9

311 22 0
                                    

# KABALIGTARAN

KUNG IKAW AY NAGPAPAKASAYA YUNG IBA GUSTO NG WAKASAN ANG BUHAY NILA...

MARA'S POV

Tuwang tuwa ako dahil nalaman ko na crush ako ni Alexander. Crush ko rin kasi siya. Narealize ko iyon dati nang wala namang paki sa akin si Rey.

Kaya ngayon ay tumatakbo ako at hinahanap si Gianne. Nasaan na kaya yung babaeng yun.

Ay grabe asan na kaya siya...

Rey's POV

Nandito ako ngayon sa may 2nd floor. Nakaupo sa may room. Nagiingay ang mga hinayupak kong kaklase. Kaya napilitan akong umakyat sa may rooftop.

Nang umakyat ako doon may nakita akong babaeng umiiyak. Yung brown niyang buhok ay nililipad ng hangin. Yung dark brown niyang mga mata ay namumula na sa kaiiyak.

Parang kilala ko ito ah ,  si Gianne yata ito. Yung best friend ni MARA.

Nilapitan ko siya. Iyak lang siya ng iyak.
Patuloy ang pag - agos ng luha sa mga mata niya.

Asan kaya si Mara. Umiiyak yung kaibigan niya ni hindi niya alam.

Paulit - ulit niyang sinasabi na :

Dapat nung umpisa pa lang sinabi mo na para di na lang ako nasaktan at umasa. Bwiset ka Patrick! Pakita ka lang pala akala ko totoong pagmamahal ang ipinapakita mo hindi pala. Hindi pala...

Si Patrick pala... Ay babaero talaga yung lalaking yan. Pinatahan ko na siya. Ngunit ayaw niya pa rin. Maya - maya naglabas siya ng blade.

Naku po!  Kaya nakipag - agawan ako sa kanya hanggang sa nalaglag iyon.

At bigla siyang nagsalita :

G : Ah!  Alam ko na ,  kung tumalon na lang kaya ako dito. Para matapos na ang lahat!!! ( At tumawa siya habang umaagos yung mga luha niya. )

G : Ayoko na eh ,  paki sabi na lang kila Mom ,  Dad at sa kapatid ko pati kay Mara na mahal na mahal ko sila at di ko sila kakalimutan...

At sa di ko inaasahang pang - yayari tumalon siya...

Mara's POV

Habang naglalakad ako sa may 2nd floor. May narinig akong hiyaw. Parang sa rooftop nanggaling. At maya maya parang may bumagsak.

Pagtingin ko... Halos di ako makagalaw. Umagos bigla yung mga luha ko.

Yung best friend ko...

Umiiyak akong tumakbo sa room. Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan yung mga magulang niya.

Habang kinakausap ko sila halos mawasak yung pinto ng biglang nagmamadaling pumasok si Rey.

R : Guys!!!  Guys si Gianne... Tumalon sa may rooftop.

Tumahimik ang buong classroom. At nagsibabaan kami. Si Alexander naman tumatakbo papunta sa akin. At sabay kaming bumaba.

Yung best friend ko...

Crush Pansinin Mo Naman AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon