Prologue

24 0 0
                                    

•~PROLOGUE~•


"Promise"



Ito ay isang word na kapag sinabi mo, kailangang tuparin mo. Wala namang mangyayari pag hindi mo yan natupad. Yun nga lang, may ibang masasaktan. Madalas, maraming tao ang hindi tumutupad ng pangako nila, gaya na lamang ng taong pinakauna kong minahal-- nagpromise siya na mamahalin niya daw ako habang buhay, pero anong nangyari? Malalaman ko nalang na madami na pala siyang girlfriend, malalaman ko nalang na niloloko niya lang pala ako.



Nilagawan niya ako, pinrotektahan, at gumawa ng maraming pangakong noo'y pinaniwalaan ko nang husto.



Naniwala ako sa mga kasinungalingan niya. Nag tiwala ako sa kanya.



I was a blind fool.



Hindi ko naman balak na ma-inlove sa kanya, ngunit, nang magising na lamang ako nang isang araw ay bigla kong napagtantong...



..mahal ko na pala siya.



At sa araw din na iyo'y nahuli ko siya...may kasama siyang iba.



And you know what's worse?



Ang malaman ko na hindi niya naman pala ako minahal.



Pinaglaruan niya lang ako. Ginamit niya lang ako, at itinapon sa kung saan noong napagod na siya sakin.



"Pampalipas-oras ka lang. Kahit kailan, hindi kita nagustuhan, at wala ring magkakagusto sayo; dahil isa kang walang kuwentang tao. Masyadong gullible. Ayaw ko na sayo, kaya wag mo na akong hahabulin. Nakakasuka ka."



Ayan ang eksaktong sinabi niya sa akin. Sa mismong pagmumukha ko. Wala man lang kahiya-hiya. Proud na proud pa.



Ang sakit noh? Nakakapamura lang?



At dahil sa kanya, gumawa ako ng isang pangako na balak kong tuparin habang-buhay. Gusto niyong malaman kung ano yung pangakong yun?



"Hindi na ako magmamahal ulit ng ibang lalaki, Kahit Kailan."



Yan, iyan ang pangako ko, ang pagharang ng puso ko. Natupad ko iyon nang tatlong taon at, tulad ng sinabi ko kanina, balak ko pang tuparin habang buhay. Wala akong pakialam kung tumanda akong dalaga. Basta, kahit anong mangyari'y panghahawakan ko ang pangakong iyon.



Pero...



Simula noong nakilala ko "siya", sa tingin ko'y hindi ko na makakayanan pa. May nilagay akong harang sa puso ko, matibay yun, pero bakit unti-unti na niyang nasisira yung harang na iyon?



...



Joke lang.



Tingin niyo, magpapatalo ako nang ganun ganun lang?



Excuse you, hanggang friends nalang kami.



Ayoko nang masaktan.



Ayoko nang umasa sa wala.



Ayoko nang mapaglaruan.



Basta, poprotektahan ko ang sarili kong puso hanggang sa makakaya ko.



Kasi, bwisit ang ma-inlove. Mapanlinlang. Pasakit lang sa ulo't damdamin.



Panira lang ng life.



. 2016 . BlueRoseOnLine . AllRightsReserved .

The Guy Who Changed My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon