S 06: Full Time Mommy Jin

89 6 0
                                    

S 06: Full Time Mommy Jin

Habang ang kanyang mga anak ay naglalaro sa living room, ang lingkod nating Full time Mommy Jin ay busy sa paghahanda ng miryenda ng buong pamilya.

Jin: Tadah! Ang ganda ganda na! Yieeeh!

Tuwang tuwa s'ya sa mga naibake n'yang super mario cupcakes with strawberry juice, syempre pink yung strawberry nga diba?

Jin: Namjooniieeee! Ready na!

Si Namjoon lang ang tinawag pero lahat ay nagpunta kahit na ang pupungas pungas na si Suga mula sa pagkakatulog.

Jin: Magsiupo na kayo. Jungkook, bitawan mo muna 'yang iron man stuffed toy mo! Tsaka dapat si Super Mario ang nilalaro mo!

Jungkook: Okay eomma! Iron man, stay. *inupo nya si iron man sa sahig na para bang aso*

Jin: J-hope, bakit may kutsilyo ka? Bitawan mo yan!

J-hope: Eomma! Baba ko 'to hindi kutsilyo!

Jin: Suga, Bakit hanggang dito sa mesa, natutulog ka? Umayos ka ng upo!

Suga: *umayos ng upo pero nakapikit pa rin*

Jin: Jimin, ano bang ginagawa mo d'yan?

Jimin: Eomma, gutom na daw po abs ko.

Jin: V, ano ba yang ginagawa mo?

V: Ang alin Eomma?

Jin: Yang sinisilip mo sa telescope.

V: Ahh, tinitignan ko po kasi kung may rabbit talaga sa moon.

Jin: Namjoon, tama na nga yang pagvi-video mo sa sarili mo!

Namjoon: Bago kong negosyo to.

Jin: Ang alin?

Namjoon: Beauty care!

Jin: Make up ko na naman pinakelaman mo! Eto na ang binake kong Super Mario cupcakes! Yiee! Kinikilig ako.

J-hope: Wow. Mukhang masarap!

Jin: *pinalo ang kamay ni J-hope dahil balak na nitong kainin ang cupcakes.* Wag mong kakainin yan si Super Mario.

J-hope: Huh?

Jin: Suga! Wag mong pakilaman yan! *hampas sa kamay ni Suga*

Suga: Anong kaput*nginahan yan?

Jin: JUNGKOOK!

Jin: Taehyu--

V: nom nom nom!

Jin: Waaaaaah! Ang super Mario ko!

Tumakbo si Jin palapit kay V saka inagaw ang nakagatan nang cupcake.


Jin: WAAAAAH! Wala na! Nabawasan na ang Super Mario ko! Huhuhuhu

J-hope: Eh anong kakainin namin, Eomma kung hindi mo ipapakain yan?

V: Guys! Wag kayong mag-alala, may niluluto na ako--

BTS EXCEPT V: *takboooooooo*

Jimin: Hindi kakayanin ng abs ko!

Jungkook: Pigilan nyo si Hyung.

Jin: Ang precious kitchen ko. Huwaaaa!

V: Oh my ghad! Hindi kasya ang kawali sa oven. Eommaaaaaa!

BTS except V: *facepalm*

----

Belated Happy birthday pala sa aking mahal na mahal na Namjoon! Moni, Jonie, Namnam, RM, Rapmon, Rap Monster, KIM NAMJOON! HAPPY BIRTHDAY! SARANGHAE, OPPA!

BTS SCENARIOS: BANGTANWhere stories live. Discover now