S 02: Ilong Moves

115 8 3
                                    

S 02: Ilong Moves

Tahimik lang naglalakad ang lingkod nating Ilong noong may makasalubong s'ya na oh so sexy, oh so awesome at oh so bango na babae kaya napatigil s'ya sa paglalakad.

Sa loob-loob n'ya, iniisip n'ya na ang magandang punch line para sa magandang dilag na iyon kaya dali-dali s'yang pumwesto sa tabi nito ay sinabayan sa paglalakad.

Jungkook: Hello, Miss! Are you Mine?

Napatingin ang babae sa kanya sa sobrang pagtataka. Mine? Luh, baliw! Sabi nung babae sa sarili n'ya pero hindi n'ya na lang pinansin si Jungkook.

Nako, ateng! Jungkook na 'yan oh!

Jungkook: No? Ah, baka ikaw si Tini. Ang tinitibok ng puso ko.

Sabay akbay ni Jungkook sa babae kaya lalong nagtaka ang babae. Tinitibok ng puso n'ya? Baliw pala talaga 'to eh. Kailan pa ako naging part ng organs n'ya?

Medyo nauubusan na din si Jungkook ng punch line pero ang turo ng kanyang mga hyung ay don't give up kaya pinagpatuloy n'ya lang.

Jungkook: Wala kang pangalan?

Girl: Ji--

Jungkook: Jihyun? Sa wakas nagsalita ka din. Jihyun lang ang pangalan mo?

Hindi na nagresponse ang babae dahil iniisip n'yang puputulin lang din naman ni Jungkook ang sasabihin n'ya.

Jungkook: Sige, ako na bahalang magpaheram ng Apelido ko sa'yo dahil gagamitin mo din naman ito balang araw. BOOM!

Girl: Ga--

Jungkook: Gwapo? Alam kong gwapo ako kaya magiging artistahin ang mga magiging anak natin. *winks*

Buo na ang self confidence ng ating ilong hindi na s'ya mapipigilan. Habang ang babae naman ay sobra na ang pagtatakha sa mga sinasabi ji Jungkook.

Girl: Hindi ako--

Jungkook: Hindi ikaw ang magtatrabaho para sating dalawa. Ako lang, hindi kita pababayaan. *winks again*

Girl: Ha--

Jungkook: Halik? Gusto mo ng halik? Pagbibigyan kita.

Agad na hinawakan ng hokage nating ilong ang babae para halikan ito pero bigla itong itinulak ng babae palayo.

Girl: Ano ba, Jungkook! Ako 'to si Jin-hyung mo! Kanina pa kita hinahanap para kumain na tapos pagala-gala ka lang naman dito. At ano yung mga sinasabi mo? Nako, malalagot ka talaga kay Namjoon. Uwi!

Sa isip-isip ng ating ilong, Muntik ko nang mahalikan si Jin hyung. Bat naman kasi s'ya naka skirt at naka wig? Naglip stick pa! Aish!

---
Hi guys! Pwede po kayong magsuggest ng segment ng gusto n'yo. Message me o kaya magcomment sa baba ^_^

BTS SCENARIOS: BANGTANWhere stories live. Discover now