Tanggapin

5 1 0
                                    


Alam kong hindi pwede maging tayo

Pero bakit ganito?

Hindi ko mapigilan ang damdamin ko.



Araw-araw nasa isip at hindi mapakali

Araw-araw umaasang makikita at makausap kang muli.



Bakit ganito? Bakit ganito?

Nalilito ako, nalilito ako

Sa pag-ibig ko sa'yo.

Ano ba ang nakita ko sa isang katulad mo't

Napamahal ako ng sobrang sa isang katulad mo.



Pilit kong itinatanggi sa sarili ko

Ang aking nararamdaman

Ngunit mas lalong lumalalim ang pagtingin ko sa'yo



Nang minsa'y magkita

Laking tuwa ang nadama

Napunan lahat ng pagkukulang

Dito sa puso kong umaasa


Pero alam ko malabong mangyari

Ang ninanais ng aking puso

na maging ikaw at ako

Dahil may pagtingin ka sa sa taong

hindi magiging katulad ko


Kay hirap tanggapin ng pag-ibig ko sa'yo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 16, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TanggapinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon