Kabanata 2

3.7K 80 2
                                    

Mama

Nasa aktong sinisiguro ni Felisa ang mga kandado sa loob ng malaking bahay bakasyunan ng pamilyang Talavera ng tumunog ang doorbell sa kabilang gilid ng bahay.

Nagtaka ang medyo may katandaan na babae ngunit nagpunta pa din sa pintuan upang matignan ang taong naroroon.

"Sino 'yan?" tanong ni Felisa ng malapit na siya sa pintuan.  Si Felisa ay nasa sikwenta anyos na at nasa mahigit sampung taon ng kasambahay sa malaking bahay ng Talavera. 

Nagtaka ang matanda ng hindi sumagot ang nasa pintuan. 'Gabing gabi na e.. Sino kaya itong bisita?' tanong niya sa kanyang sarili bago pinihit ang serindilya ng pintuan upang bumukas ito.

Pagbukas niya ay wala siyang nakitang tao kaya naisip niyang baka may naglaro lamang ng doorbell nila.  Akmang isasara na niya ang pintuan ng makita niya ang babaeng nakataob ng higa sa semento. 'Jusko! Tulong!' biglang sigaw niya. 'Karding! Karding!' tawag niya sa family driver ng pamilya na nasa kwarto nito hindi kalayuan sa pwesto niya.

Yumuko siya sa babaeng nakahandusay sa lapag. Sugatan ito ang damit ay sira sira at madumi ngunit hindi niya maitatangi na maganda ang babae at hula niya ay nasa kalagitnaan ng twenty at twenty-five ang edad nito.

"Manang, Ano 'yan?" napalingon si Felisa sa likuran niya ng marinig niya ang boses ng amo niya. Dali dali siyang gumilid at itinuro ang babae na nakahandusay sa harap ng pintuan nila.

"Sir Kael... May babae pong nak---" hindi
naituloy ni Felisa ang nais niyang sabihin ng mabilis na nilapitan ni Kael ang babaeng nakahandusay. 

Itinihaya niya ito at marahan na pinalo ang pisngi, tinitignan kung magkaka malay..

"Miss.." tawag ni Kael sa. baritonong boses. Nag hindi ito nagkamalay ay binuhat niya ang dalaga. 

"Manang, tawagan mo si Doc. Joaquin." utos niya sa kanyang kasambahay na nanlalaki pa din ang mga mata dahil sa natagpuan.

Tinawagan ni Felisa ang doktor at pinapunta sa malaking bahay na iyon. Samantalang dinala naman ni Kael ang dalaga sa isang bakanteng kwarto. 

Ilang saglit din ang kanilang hinintay bago dumating ang doktor.

Mataman na tinitignan ni Felisa ang Doctor habang ini eksamina ang babae.

"Kamusta ho siya Doc?" agaran na tanong ni Felisa sa doktor. 

"Nilalagnat siya pero tinurukan ko na siya ng gamot kaya magiging okay din siya. Ang mga galos niya ay ginamot ko na din.. Magiging maayos din ang lagay niya matapos ang ilang araw." wika ng doktor. 

"Sino ba siya, Kael?" tanong ng doktor. Ang doktor kasi na iyon ay ang personal na doktor ni Francine, ang anak ni Kael.

Tumingin si Kael sa Doktor na siyang nakatayo lamang sa bungad ng pintuan. Hindi alam ni Kael ang isasagot sa tanong ng Doktor. Dahil hindi naman niya kilala ang dalaga at nagtataka siya kung bakit nasa kabilang pintuan ito kung saan ang labasan ay gubat.

"Papa..." napatingin si Kael sa batang babae na nasa harapan niya. May buhat itong manika at may korona sa ulo.

Bahagya siyang umupo upang makatapat ang mukha ng kanyang anak. Hinaplos niya ang mukha nito "Bakit ka bumaba sa kama?" marahan na tanong niya. Bumaling ang batang babae sa kama kung saan nakahiga ang babaeng natagpuan sa labas ng kanilang pintuan. 

Sumilay ang tuwa sa mata ng batang babae. "Halika na, Prinsesa ko! Matulog ka na ulit." wika ni Kael at agad na binuhat ang kanyang anak.

Ngunit si Francine ay hindi inaalis ang tingin sa babaeng nakahiga hanggang sa mawala ito sa paningin niya. 

Pag alis ng doktor ay agad na pinunasan ni Felisa ang dalaga at hiniraman ng damit sa isang kasambahay din sa loob ng malaking bahay na iyon..

Sa ikalawang araw ng dalaga ay tumaas ang lagnat nito at kinumbulsyon.

"Huwag! Parang awa niyo na huwag!" patuloy na sigaw niya at ng huminto ito ay humagulgol naman ang dalaga at patuloy na tinatawag ang mama niya. 

Napahinga si Felisa ng malalim. Naawa sa dalaga.  Tinawag siya ni Kael ngunit hindi niya maiwan ang dalaga. 

Nang mahuli siya ng mahigit trenta minutos ay pinagalitan siya ng amo. Masungit si Kael ngunit alam ni Felisa na mabait din ang binatang amo. 

Pag alis ni Felisa sa kwarto ng dalaga ay inutusan siya ng Kael na pumunta sa grocery store upang bumili ng stock sa bahay nila.

Habang walang ang kasambahay na si Felisa ay pumasok si Francine sa kwarto ng dalaga at tinignan ng maiigi ang mukha nito. 

"Mama.." aniya.

Umakyat sa kama si Francine at niyakap ang dalaga. Nasa ganoong akto ang naabutan ni Kael ng hinahanap ang kanyang anak.

"Francine.." tawag niya sa anak niya ngunit hindi ito kumikibo. 

-----

Patuloy akong tumatakbo palayo sa kung saan. Palingon lingon ako. Wala naman na humahabol ngunit tila may tinatakasan ako.

Nang imulat ko ang mata ko ay nasilaw ako sa ilaw ng kisame. Tinignan ko ang paligid ko at nagtaka. 

Ang kwartong kinaroroonan ko ay parang kwarto sa isang hotel. Napaka moderno ng pagkakagawa. Sinubukan kong tumayo ngunit napakasakit ng ibang parte ng katawan ko.

"Mama?" napatingin ako sa may ari ng boses na iyon. Nakayakap sa akin ang isang batang babae.

"Mama?" balik tanong ko at pilit na inalala ang lahat.  Sinubukan kong balikan ang lahat ngunit wala akong maalala. 

"Sino ka?" tanong ko sa bata. "Si Francine po, Mama.." nakangiting aniya.  Bakit ba ako tinatawag na mama nito? May anak na ba talaga ako? Sino ako? Nasaan ako?

Bumukas ang pintuan at iniluwa noon ang isang matikas na lalaki. Naka long sleeve ito na tripes at naka short. Nanlaki ang mata niya ng makita ako. 

"Sino ka?" kinakabahan na tanong ko. "Nasaan ako?" naguguluhan na tanong ko.  "Sino ako?" natatakot na tanong ko dahil hindi ko maalala. Wala akong maalala.

Mabilis na naglakad ang lalaki patungo sa kama na kinaroroonan ko at mabilis na binuhat ang batang tinatawag akong mama. 

"Mahal na hari, gising na ang mahal na reyna!" wika ng bata. "Gising na si Mama!" wika muli ng bata. 

"Francine hindi mo siya mama." wika ng lalaki sa batang buhat niya. 

Nanlaki ang mata ng bata. "Papa!" sigaw niya.

"Miss diyan ka lang. Tatawag ako ng doktor." wika niya at lumabas ng kwarto habang buhat ang batang babae na umiiyak at patuloy na tinatawag ang mama niya. 

Artificial Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon