Simula

6.2K 104 2
                                    


"You may kiss the bride." anunsyo ng pari na nasa harapan namin.

Ngumiti ako sa babaeng nasa tabi ko. Bakas na bakas ang saya sa kanyang mukha at sigurado akong ganoon din ako. 

Itinaas ko ang belo ni Farah Ishelle, ang babaeng pinakasalan ko at mabilis na dumukwang ako upang mahalikan siya. Nagpalakpakan ang mga taong dumalo upang makita ang pagkakatali namin sa isa't isa. "I love you." narinig kong bulong niya. "I love you." wika ko din sakanya at muli siyang hinalikan..

Pagkatapos ng kasal ay nagtungo na kami sa reception upang mag celebrate ng kasal namin kasama ang mga panauhin.

Pagkatapos ng kasiyahan ay mabilis kaming nagtungo ni Farah sa hotel kung saan kami mag ha-honeymoon at pagkatapos ng ilang buwan na pagsasama ay nalaman namin na nagdadalang tao na siya. Sobrang kasiyahan ang hinatid sa akin ng balita na iyon.

Napakasaya ng pamilya na mayroon kami, tila itinada ito ng diyos. Puno ito ng pagmamahal at napaka perpekto.

Nahirapan sa pagbubuntis si Farah kaya naman pinipilit kong hatiin ng maayos ang oras ko upang makapagtrabaho at maalagaan siya.

Hindi nagtagal ay sumapit din ang araw ng kapanganakan ni Farah. Sinigurado kong nasa tabi niya ako habang nangangak siya.

Na-isilang ang unang anak namin at babae iyon. Hinalikan ko ang ulo ni Farah. 

"I love you. Thank you." wika ko. Ngumiti si Ara sa akin.

Ibinigay ng doctor ang sanggol sa asawa ko ngunit agad din na inilayo ng pumikit si Ara ng dahan dahan at mag flat ang linya ng monitor na nagpapahayag ng buhay ng pasyente.

Tinawag ko ng paulit ulit ang pangalan niya. Hindi ko na maisip ang kahit ano tanging si Ara lang! Inilabas ako ng mga nurse kaya wala akong nagawa kung hindi ang maghintay sa labas ng operating room.

Sa araw iyon na pagsilang ng panganay namin ay namatay ang asawa ko. Labis labis ang sakit na naramdaman ko. Hindi ko na alam ang gusto kong gawain. Ang mamatay kasama ni Ara o ang mabuhay kasama ng anak namin.

Inabot sa akin ng nurse ang sanggol. Nahirapan pa akong buhatin ang sanggol ngunit natutunan ko din ang tamang paghawak. 

Hinalikan ko ang noo ng anak ko. Ipinangako ko sa aking sarili na ibibigay ko ang lahat sa anak ko at hinding hindi niya mararamdaman na wala siyang mama.

Ang mabuhay kasama ang anak namin. Ito ang gusto ni Ara kaya gagawain ko ng maayos. 

----

"Papa, Im home!" hiyaw ko sa aking pagpasok sa munting bahay namin. Walang tao na sumalubong sa akin sa sala, hindi tulad ng mga nagdadaan na araw na palaging sumasalubong sa aking mga mata si Aunt Sasha --ang aking step mother-- si Sophia --ang anak ni Aunt Sasha-- si Larius ang kanyang panganay na anak. 

Hindi sumalubong sa akin ang mga naiinis na mukha ni Sophia, ang mga may itinatagong ngiti ni Aunt Sasha at ang kakaibang tingin sa akin ni Larius.

Simula ng mawala si mama ay naging miserable si papa sa loob ng mahigit dalawang taon, madami siyang inuwi na mga babae bagay na ikinaiinis ko sa murang edad na dise otso.  Ngunit makalipas ang kalahating buwan pagkatapos ng pinag gagawa ni Papa ay nag uwi siya ng isang pamilya. Si Aunt Sasha na mas bata kay papa ng mahigit limang taon,  si Sophia na kasing edad ko at si Larius na matanda sa akin ng tatlong taon. 

Sa unang salubong ng mga mata namin ay alam ko na agad na hindi kami magkakasundo. Dahil sa bawat babaeng nadadala ni papa pauwi ay kabisado ko na ang mga nais nilang makuha: ang pera na mayroon kami. 

"Papa!?" sigaw kong muli. Nais ko kasing ibalita kay papa na isa ako sa ga graduate ng may parangal.

Dahil mayroon kaming hacienda at walang magpapalago noon ay kinuha ko ang Agriculture na kurso noong natapos ko iyon ay kinuha ko naman ang business management.

Sa loob ng mahigit ilang taon na iyon ay nagtitiis akong kasama ang mga pamilyang inuwi ni papa. Nakisama ako kahit labag na labag sa kalooban ko. Kahit na ayaw ko sakanila at gusto ko ng paalisin ay tinikis ko dahil ayaw ko man na aminin ay simula ng iuwi sila ni papa ay tumino na itong muli. 

Nang hindi ko makita sa buong kabahayanan si papa ay pumunta ako sa likod bahay para hanapin ang kahit na sinong kasambahay namin.

Naabutan kong nagpupulong sila sa isang malapad na mesa sa likod bahay.

"Ngayon na wala na si Don Fernan ay ano na ang mangyayari sa atin? Kung si Madam Sasha ang mamahala ay paniguradong iibahin niya ang patakaran.." wika ng isa na hindi ko pa gaanong maintindihan.

"Tumigil nga kayo! Nawala na ang Don at iyan agad ang inisip niyo! Ni wala pa nga--" naputol ang sasabihin niya ng sumigaw ang isang tauhan sa mansyon namin ang nakakita sa akin.

"Si Miss Leslie!" aniya.

Nakita kong marahan na tumango ang isang tauhan. "Oo nga! Sana ay si miss Leslie na lamang ang mamahala.." wika noong tumango. 

"Hindi! Si Miss Leslie..." ulit ng isang tauhan at itinuro ako.

Anong pinagsasabi nila na nawala na ang papa ko?

"Nasaan ang papa ko?" tanong ko sakanila. Yumuko sila at isa sa tauhan ang nagsabi ng salitang ayaw kong madinig. 

"Wala na ang papa mo.." ani ng isa. "Inatake siya ng sakit sa puso.." dagdag pa niya. 

Tila gumuho ang kastilo ko sa aking narinig.  Wala na si Papa!

Artificial Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon