Kabanata 11

3K 69 3
                                    

Dinner

Mabilis na nawala sa paningin ko si Kael. Ang akala kong pagliko niya sa kabilang stands ay mali pala. Hahabulin ko sana siya ng bigla siyang huminto at nilingunan ako. "Stay there. Magpapalit lang ako ng Cart." aniya. Kaya imbes na gumalaw upang sumunod sakanya ay nanatili ako sa aking pwesto at sinundan na lamang siya ng tingin. 

Malaki at saknto ang cart na kinuha ko kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang mag palit..

Habang naghihintay sakanya ay inikot ko ang mata ko sa mga candies na nasa stands kung saan ako napahinto. Dinampot ko ang pakete ng gummy bears. May maliit na kamay ang humawak sa kamay kong nakapirmi lang sa gilid ko.

"Mama!" napatingin ako sa kamay ng isang bata pagkatapos ay sa mukha nito. "Francine!" hindi makapaniwalang wika ko. Sinama pala siya ni Kael!

Bahagya akong umupo para makapantay ko siya. Inayos ko ang korona sa ulo niya bago ang buhok niyang nakaladlad. "Sinama ka pala ni Kael.." wika ko at ngumiti. 

"Oo. Umiiyak kasi kaya sumunod kami." narinig kong sagot mula sa likod ko. Mabilis akong tumayo at pumunta sa likod ni Francine upang makaharap ko si Kael. "Atsaka parang uulan baka mahirapan ka dahil wala kang sasakyan." dagdag niya habang nakatingin sa akin.

Ang cart na hawak na niya ngayon ay may sasakyan sa ilalim. Sumakay doon si Francine. "Tara na.. Marami pa tayong bibilhin." aniya. Nasundan ko ang pagbaba ng mata niya sa kamay kong hawak ang pakete ng gummy bears. "Ilagay mo na 'yan dito. Saan mo kinuha 'yan? Dagdagan mo pa." malalim at matigas ang boses niya, ag natural na boses niya habang binibigkas niya ang mga salitang iyon.

Hindi ako nagsalita lalo na ng igala niya ang mata niya at nakita ang stands ng gummy bears sa gilid ko. Kumuha pa siya ng ilang pakete at kinuha ang nasa kamay ko bago nilagay sa cart. "Kuhanin mo lang ang gusto mo ah.." aniya at nagsimula ng itulak ang cart. Nang mapansin niyang nakatayo lang ako at hindi sumusunod ay hinawakan niya ang braso ko at hinatak na sa kung saan. 


Binitiwan lamang ni Kael ang braso ko ng maramdaman niyang sumasabay na ako sa lakad niya. Kinuha namin sa stands ang lahat ng nasa listahan. At kapag may nadadaanan na pagkain o kahit ano nililingunan ako ni Kael at tinatanong kung gusto ko ba iyon, kung bibilhin ba o ano, na parang sa akin nakabase ang disisyon doon.


Paglapag niya ng ilang plastik sa compartment ng sasakyan at sinara iyon ay tinignan niya ako bago si Francine at ang orasan sa palapulsuhan niya. "Dinner time na..." aniya. Naiilang na tinitignan ko lang siya pabalik habang hawak ko si Francine sa isa kong kamay. "Kain na tayo sa katabing restaurant." dugtong niya. Tumango ako since wala naman akong choice na tumanggi at isa pa baka gutom na din si Francine.

Lumapit siya sa amin at hinawakan ang kabilang kamay ni Francine. Kung may makaka kita sa amin ay iisipin na isa kaming pamilya. 

"Anong gusto mong kainin, Les?" mabilis na pumintig ang puso ko sa pagtawag niya ng kakaibang pangalan na iyon sa akin. Diretso lamang ang tingin ko sa daanan dahil bigla akong nailang sa presensya niya. "Les?" tahimik na napahinga ako ng malalim.

"Hmm... anything will do." sagot ko sa katanungan niyang muntik ko ng makalimutan. "Okay.." sinulyapan ko siya at nakita ko kung paano umangat ang kabilang sulok ng labi niya ng panandalian.

"Papa, Ice cream po tayo pagkatapos." wika ni Francine. 

"Sige." mabilis na sagot ni Kael. Kumunot ang noo ko. "Hindi pwede! Gabi na e, tsaka malamig ang panahon ngayon!" pag pigil ko. Nagulat pa ako sa tono ng boses na ginamit ko.

Artificial Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon