Kabanata 3

3.7K 75 1
                                    

Picture Frame

Mahigit trenta minutos din akong naghintay bago may pumasok muli sa kwarto na kinalalagyan ko. 

Isang lalaking nasa mid thirties niya ang pumasok buhat ang isang brown leather briefcase. Nang makalapit siya sa akin ay inilapag niya ang hawak na bag sa paanan ko.

"Kamusta ang pakiramdam mo, Miss?" bungad na tanong niya at may kinuha sa bag na dala niya. 

"Masakit po 'yung siko ko pati iyong tuhod ko at 'yong ulo ko.." dahan dahan na wika ko pagkatapos kong pakiramdaman ang aking sarili. 

Inilabas ng lalaki ang stethoscope niya at iniksamina ang dibdib ko pagkatapos ay ang likod ko. Pinasadahan din niya ng tingin ang mga braso at binti ko at nakita ko ang mga galos doon..

Bumukas ang pintuan at iniluwa noon ang isang matandang babae na medyo mataba kasunod niya ay ang lalaki kanina na tinawag na papa noong bata. 

"Saan ko po nakuha ang galos ko?" tanong ko ng makitang napakadami kong galos at pasa sa magkabilang braso. 

"Iyan ang gusto kong itanong sayo.. Saan mo nakuha 'yan?" balik tanong niya. "Ano bang pangalan mo?" tanong niyang muli. Na alarma ako sa itinanong niya. 

Hindi nila ako kilala! Pero anong ginagawa ko sa bahay na 'to? sa kwarto na 'to? Napalingon ako sa dalawang tao na nasa likuran ng doktor. 

"Anong pangalan ko?" tanong na hindi ko alam ang kasagutan, tila nasa isa akong madilim na lugar at hinahanap ang liwanag na hindi ko makita. "Hindi niyo ako kilala?" nauutal na wika ko. "Hindi niyo ako kilala pero bakit nandito ako? Nasaan ako? Sino ako? Sino kayo?" sunod sunod na tanong ko. Para akong blanko na papel.

Napapikit ako kasabay ng pagsalakay ng kirot sa tuktok ng ulo ko pakalat sa buong parte ng ulo ko. Hinawakan ko ang ulo ko at napasabunot ako sa sarili kong buhok, gusto kong alisin ang sakit na sumasalakay sa ulo ko ngunit hindi ko alam kung paano.  Napasigaw ako sa sakit. 

NANG idilat kong muli ang mga mata ko ay nag iisa na lang ako sa kwarto. Napakadilim ng kwarto at binigyan ako nito ng kakaibang takot sa aking pagkatao. 

Tumayo ako sa kama at lumabas ng kwarto. Sumalubong sa aking ang hallway na may mga ilaw sa gilid gilid. Napahinga ako ng maluwang.

Narinig ko ang takbo na yapak papunta sa akin pag angat ko ng tingin ay nakita ko ang medyo matabang babae kanina habang ini eksamina ako ng doktor.

"Ayos ka lang?" nag aalalang tanong niya sa akin. Hindi ako nakasagot sa tanong niya.

Inalalayan ako ng babaeng iyon na tumayo at ipinasok ako sa kwartong nilabasan ko. 

"Magpahinga ka muna hindi ka pa magaling..." wika niya.  Napahinto ako sa bungad ng pintuan ko. "Anong problema?" malumnay na tanong ng babae. 

"Ayoko po sa madilim.. Natatakot po ako." wika ko kasabay ng sunod sunod na pag iling. 

"Ganoon ba? Sige, bubuksan ko ang ilaw." aniya at binitiwan ako bago naunang pumasok sa kwarto. Narinig ko ang mahinang click at kumalat na ang liwanag sa kwarto. 

Pinasadahan ko ng tingin ang buong kwarto. Napalunok ako ng maramdaman kong safe naman ako sa kwartong ito. 

Lumapit ang matandang babae sa akin at tuluyan na akong inilalayan papasok. Inupo niya ako sa kama.

"Ako si Manang Felisa..." pakilala niya. "Ako ang isang katulong sa bahay na ito. Iyang suot mong damit ay kay Dorine, isa pang kasambahay dito.  Dalawa lang kaming kasambahay sa bahay na ito. Si Kael ang may ari ng bahay at si Francine na anak niya.." aniya. 

Artificial Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon