Prologue
Ito'y storya ng isang babaeng nahulog sa dalawang tao.
Hindi man nagkasabay, pero nagkasabay din.
Sya si Jewel.
Palaban, at madalas katakutan ng iba.
Mabait sya, kung makikilala mo lang talaga.
Si Daniel ang matalik nyang kaibigan, na may lihim na pagtingin sa kanya. Hindi ito pinapansin ni Jewel dahil ayaw nyang masira ang pagkakaibigan nila.
Laging nandyan si Daniel para sa kanya. Karamay sa problema, kasama sa mga kagaguhan, at nagmamahalan. NGUNIT BILANG MATALIK NA KAIBIGAN LAMANG. Hanggang dun lang, para kay Jewel.
Dumating ang araw nang nalaman nyang nagkakagusto raw sa kanya ang lalaking pinapangarap nya - si Kean, hearthrob. Hindi nya yun pinapansin dahil hindi naman sya kilala ni Kean, at isa pa, hanggang crush lang yun dahil alam nyang flirt si Kean. Pero sya talaga ang gusto nya.
At ito na, simulan na natin ang istorya ng buhay pag-ibig ni Jewel Constantino.
BINABASA MO ANG
Bestfriend or Lover?
Teen FictionBestfriend or Lover? Sino nga bang mas matimbang? Sinong dapat piliin? Tama bang mainlove sa bestfriend? Tama rin bang isakripsyo nyo ang pagkakaibigan para sa pagmamahalan? Ilan sa mga katanungan lamang noon ni Jewel. Ano nga bang nangyari? Sino an...