2 years later

6 0 0
                                    

[ MITSIE'S ]

Andito ako ngayon sa library ng university. Hay. Dalawang taon na ang nakalipas. Hindi ko alam, pero isang tao pa rin ang laman ng puso't isipan ko. Si Kean, sino pa.

Dalawang taon....

Sa dalawang taong iyon, ang daming nangyari. NAPAKADAMI.

Masyado lang akong masasaktan kung aalalahanin ko pa at uungkatin ang nakaraan. Dalawang taon na nakalipas, masaya nang nagsasama yung dalawa, samantalang ako, na-stuck na sa ganito. Sa pagtambay sa library, pero tutunga lang, iiyak, at iisipin si Kean. Iisipin nanaman yung mga pagkakamali ko. Sana pala...

Hayyyyyy. AYOKO NA!

Ayoko nang mabuhay sa nakaraan! Sawa na ko sa kakaasa, sa kakasalita ng sana. 

Ayoko na.

Lord, please. Alisin mo na sa puso't isipan ko si Kean.

Kahit anong gawin kong pagmu-move on. Kahit anong gawin kong i-force ang sarili ko sa iba, wala eh. Kay Kean pa din.

KEAN KEAN KEAN. 

T*NG*NA! ANO BANG MERON KA? ANO BANG MERON KA HA KEAN DE GUZMAN?!

Suko na ko. SUKONG SUKO NA KO. Bakit?! Bakit ako pa?!

Dalawang taon na ang nakalipas, wala pa ring nagbabago. 

[ JEWEL'S ]

Two years, halos dalawang taon na rin ang nakalipas simula nung may malaking pagbabago ang nangyari sa akin --- sa amin ni Kean.

Tandang tanda ko pa noon kung pano ako umiyak gabi gabi kakaisip kung ano bang pwedeng mangyari. Kung paano nang relasyon namin.

Lagi akong nag ooverthink. Pero ngayon, alam ko na. Alam ko na ang mga sagot sa mga tanong ko noon.

At oo, sigurado na ko. Sigurado na ko sa nararamdaman ko. Sigurado na ko kay Kean.

Dalawang taon, dalawang taon na ang nakalipas. Ang laki na ng pagbabago. Mas lalo ko syang minamahal.

[ KEAN'S ]

Ang saya na namin ngayon ni Jewel. Sa nakalipas na dalawang taon, wala akong pinagsisisihan. Wala kong pinagsisihan. At wala akong pagsisisihan.

Salamat kay Daniel, sa tulong nya, naging maayos ang relasyon namin ni Jewel.

Si Mitsie? Ay ewan ko, basta alam ko, masaya ako. Masaya ako kay Jewel. Hindi sa nagpapaka-selfish ako. Pero alam ko, nagawa ko na yung part ko.

At sa nakalipas na dalawang taon na yun, kahit isa, wala akong pinagsisisihan sa mga nagawa ko.

Dalawang taon na ang nakalipas, ang laki na ng pagbabago, hindi lang ako, hindi lang buhay ko, kundi pati mundo ko.

Ang dating magulo, naging maayos. Ang dating black and white naging colored. Ang dating walang sigla, naging makulay. Ang mundo kong miserable, binulabog ni Jewel sa paraang alam nyang magiging maayos.

At sinasabi ko, hindi ko to pagsisisihan. At ang alam ko lang, sigurado na ako kay Jewel.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bestfriend or Lover?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon