Rebounder

17 0 0
                                    

Jewel's POV

tama si Daniel. Dapat tanggapin ko si Kean kung talagang gusto ko sya.

Pero teka... Hindi pa naman ako sigurado sa nararamdaman ko eh..

Hay nako, bahala na ngaa.

Pagpasok ko ng room, lumapit agad sa akin si Jas. guess what? Pinipilit nya kong sagutin na si  Kean.

Ang dami nyang sinasabi eh which is nakakapagpakilig sa akin lalo. At tila ba parang gusto ko na nga syang sagutin.

"Okay sige, pag tinanong nya ko, sasagutin ko na sya." Sabi ko. Though I'm not yet that sure about my feelings for him, sasagutin ko parin. Try lang ba. Tutal, gusto ko naman sya as crush. 

At least, kahit papaano, naging saakin sya.

After class, umuwi ako agad. Pagdating ko sa bahay, nagring yung phone ko, si Kean.

Ako: Napatawag ka?

Kean: Eh kasi namimiss na kita. Atsaka, gusto ko lang malaman kung handa ka na bang maging girlfriend ko?

Ako: Magiging handa lang ako kung talagang handa ka nang maging boyfriend ako.

Kean: Sa tingin mo ba, liligawan kita kung hindi ako handa?

Ako: Ewan sayo.

Kean: Hmm, tayo na?

Ako: Opo.

Tapos binaba ko na. Kinikilig ako nyan, hindi lang halata. Haha. Okay, you're mine now Mr. Kean Alfonso De Guzman. :P

Kean's POV

Tinawagan ko si Jewel. Tinanong ko sya kung handa naba syang maging girlfriend ko. 

Basta yun, naging kami na.

Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko. Gusto kong maging seryoso tong relasyon na to.

Pero hindi ko alam kung paano dahil unang una, hindi ko pa sya ganun kamahal. Type ko sya, oo. Pero kasi, si Mitsie parin talaga yung laman ng puso ko.

Pero kami na nga ni Jewel. Hindi ko alam kung bakit minamadali ko to. Dahil ba para makalimutan ko agad yung pinagsamahan ni Mitsie?

Hay. Hindi ko na alam.

Ang alam ko lang, kelangan kong maging seryoso sa relasyong to dahil seryoso sa akin si Jewel. At kahit hindi kami ganun ka-close katulad ng tunay na mag-syota, kelangan kong iparamdam sakanya yung pagmamahal na hinahanap nya at ayokong masaktan sya.

********

So, here's the update na. I think this is an effin short story. Tingin ko, maikli lang talaga sya. Pero marami pang mangyayari.

By the way,  I now create a new story entitled "Advantages of being 'laseng'" Please read. Para malaman nyo kung ano nga bang advantage nito sa atin >:)

Bestfriend or Lover?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon