Daniel Buenaventura

32 0 0
                                    

[a/n] Okay, medyo late update na. So, here's the continuation na po ^u^

Ayt. Monday na. Maaga ang pasok. 

May surprise kaya sakin si Kean?

Hmm, sana meron. Aba, nanliligaw ata sya. Dapat lang na may pakana sya no.

Hmp, sayang talaga nung nakaraan. 

Teka? Ano nga palang nangyari nun? Parang wla naman akong matandaan? 

Haynako, matanong na nga lang sya mamaya.

Malapit na ko sa school, nang makasalubong ko si Jas.

"Uy! Balita ko, may surprise daw sayo si Kean nung Sabado ah?" - JAs

"talaga? O_O" - ako

Okay, parang nagulat sya sa reaksyon ko.

"Ay, oo nga pala! Hindi mo nga pala naabutan yun kasi nagwalk out sya. Ikaw naman kasi, nandun kana pala, hindi ka man lang pumasok. Ang masama pa dun, eh ayaw mong gumising nung ginigising kana ni Keanbabes mo!" - Jas

Ano daw? Ako? Nakatulog?!

Kaya naman pala eh. Haynako. Sayang ang pagkakataon Jewel Constantino -_____-

So, nandito na kami sa school. And I'm still hoping na sana, eh may surprise parin si Kean kahit hindi bongga much. Eh kasi nga nanliligaw sya. Dat pakiligin nya ko no.

Oo nga pala, nasan nga pala ang BFF ko?

Daniel's POV

Medyo nawala ako ngayon. Ayoko na munang magparamdam kasi kay Jewel. Oo, best friend ko sya. Kaya ko rin to ginagawa, eh para sakanya.

Sa totoo lang, mahal ko sya higit pa sa kaibigan. Pero alam kong ayaw nya dahil ayaw nyang masira ang pagkakaibigan namin.

Nabalitaan kong may surpresa daw itong si Kean kay Jewel. At buti nalang, nakatulog si Jewel kaya hindi iyon natuloy.

Hindi naman sa tinututulan ko sya kay Kean dahil nagseselos ako, ayoko lang syang mapunta sa malanding iyon dahil ayokong masaktan sya.

Alam ko naman kasing gagawin nya lang talagang panakip-butas itong si Jewel eh. 

Kung bat kasi hindi ako mapakinggan ni Jewel. -__-

Bagay nga samin yung kanta ng parokya ni edgar na "halaga" eh.

Yung... Basta, pakinggan nyo nalang. 

Ngayon, balak kong magpamiss kay Jewel. Gusto ko lang malaman kung hahanapin nya ba ako, o kay Kean nya nalang ibabaling yung atensyon nya imbes na sakin. 

Nakita ko sila ni Jas na magkasama, parang may hinahanap sila. Si Kean siguro?

"Ayy! Ayun!" Narinig kong sigaw ni Jewel. Ang ganda nya talaga. Kaya ako nainlove eh. Haha. 

Teka... Nakatingin sya sa may dieksyon ko. Ibig bang sabihin, ako ang hinahanap nya?

Hindi parin nawawala sa mukha ni Jewel ang ngiti nya. 

Feel ko talaga na ako nga yung tinatawag nya. Kaso, napalingon ako sa likod ko.

Si....

KEAN DE GUZMAN.

Okay, si Kean pala yung tinutukoy nya. Hindi ako. So, umalis ako doon at umupo sa pinakamalapit na bench doon.

Inayos ko na lang yung sintas ng sapatos ko. 

Pag-angat ko ng mukha ko..

"Danieeeel! *pout*" Si Jewel.

"Oh jewel, napadaan ka ata sakin?" sabi ko

"Kanina pa kita hinahanap kaya. Actually namin. Nakita na nga kita kanina eh, kaso umalis ka. Kaya snundan ka namin dito." - Jewel

"Ah. Ako pala yung hinanap nyo. Akala ko naman si Kean." sabi ko

"Ahm, bat mo nga pala ako hinahanap?" dagdag ko pa.

"Eh kasi may sasabihin ako sayo" - Jewel

Okay, siguradong may kinalaman ito kay Kean.

 Bahala na nga. Sasagutin ko nalang yung mga tanong nya kung meron man at makikinig lang ako sa mga sasabihin nya at wala ng iba pang reaksyon. Okay  Daniel? K.

"Alam mo Daniel... Sabi ko sa sarili ko, hindi ako mafo-fall kay Kean kahit anong gawin nya..." - Jewel

"So, nafall kana?" - ako

"Hindi pa. Gusto ko sanang pigilan yun sarili ko." - Jewel

"Kung gusto mo talaga, kahit flirt sya, tatanggapin mo yun kasi yun sya. Kung hindi mo sya matatanggap, baka hindi mo pa sya ganun kamahal. At tandaan mo, kung maiinlove ka sa taong yan, pag-isipan mo kung sasagutin mo sya. Tandaan mo, maaaring maraming babae ang maiinis at magagalet sayo." - ako

Nagnod lang sya tapos umalis na.

Haynako. Ayokong siraan si Kean kay Jewel. Dahil unang una, hindi kami close nung Kean na yun at pangalawa, ayoko kasing masaktan ko ang best friend ko.

Kahit sila ni Jasmine ang madalas magkasama, ako parin yung BFF nya. Ako yung hinihingan nya ng advice, tulong. At mas close kami, sa totoo lang. Naging mas close lang sila ni Jas simula nung nalaman ni Jewel na nagkakausap na sina Jas at Kean.

******************

Inaantok na ko. Will update tomorrow morning :)

Please support may story po ^u^

My first story. :)))

Kung mababasa nyo lang to, hanggang ending, marami rin sigurong makakarelate. 

Heh. Ayun. Keep reading ^u^

Bestfriend or Lover?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon