Introduction

16 2 1
                                    

(Pronounciation: Rayger)

.............

Nagising ako sa ingay na nang gagaling sa first floor ng bahay namin. Pipikit pa sana muli ako ng may marinig akong nabasag na vase kaya dali dali akong napalabas ng kwarto. Nabungadan ko si ate na nagtatago sa may hagdan at pinapanood ang nag aaway sa baba.

Hindi ko kasi ito masyadong maaninag dahil malabo ang mata 'ko. Naiwanan 'ko kasi ang salamin ko sa kwarto. Ako'y pitong taong gulang palamang noon at si ate'y labing tatlong taong gulang na.

"Ate, nag aaway po ba sila Mama sa baba?" Napatingin si ate sa direksyon ko na nasa likod lang naman nya. Kahit madilim ay ramdam 'ko ang pagiging malungkot nya.

"Oo bunso. Pasensya na at pitong taong gulang ka palang ay nasasaksihan mo na ang mga to." Nagtaka naman ako sa sinabi ni ate. Masama ba talaga ang awayan na nagaganap sa pagitan nila Mama?.

"Ano po bang nangyari?" Bago po masagot ni ate ang katanungan 'ko ay  narinig naming napasigaw si Mama ng malakas na agad na ikinalingon namin sa baba. At sa pagkakakita 'ko dito sa taas ay parang may apoy sa buhok at magkabilang palad ni Mama. Hindi ko ito masyadong maaninag pero dahil mailaw ito, ay agad kong nasabi na ito nga ay apoy.

"Kung babalik ka man dun, Marcus ay wag ka ng babalik kailan pa man dito. Kalimutan mo ng may asawa ka at dalawang anak. Ngayun, papapiliin kita? Kaming pamilya mo o ang Rigger Academy na papatay sayo?"

Napahawak ako sa saking bibig. Tinignan ko si ate ngunit kalmado parin ang itsura nyang  nakasilip sa baba. May itinatago ba silang sikreto sakin? Ano yung sinasabi ni Mama na papatay ka Papa? At bakit? Bakit, bakit pinapalayas ni mama si papa dito sa bahay? Pinpalayas nga ba?

"Pasenysa na Clarissa. Pasensya na mga anak" napatingin si Papa sa direksyon namin pati na rin si mama. Kung ganun, ay alam na pala ni Papa na kanina pa kami nandito sa taas ng hagdan at nag tatago. "Pasensya na sainyo. Pero kailangan ako ng Rigger Academy. Paalam" at bigla nalang naglaho si Papa katulad ng paglaho ng paningin ko....lahat ay naging kulay itim.

Rigger AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon