Chapter 5

8 1 0
                                    

Nakaupo na kami ngayung gabi sa hapag kainan nila. Grabe, kanina pa akong manghang mangha dahil kahit tatlo lang kami dito ay ang daming pagkain, dinaig pa yata yung mga pagkain nung kaarawan ko.

"Asan pala ang mga magulang ninyo?" Hindi ko maiwasang magtanong. Si Tacha ang sumagot, Tacha nalang daw kasi ang ipantawag ko sakaniya. "Sila Mom ba? Nasa ibang lugar sila upang magturo sa mga paaralan eh" Napabuntong hininga ako nang may maalala akong kaganapan mula sa nakaraan ngunit agad ko din iyong inialis.

"Grabe, hindi na ako makapag hintay na maging kaklase ka Dessa. Masaya kami't nakilala ka namin." Saad ni Nath na dinaluhan ko ng isang matipid na ngiti.

............ 

"Last, but not the least. Our valedictorian, Desserey Martin. Let's give her a warm of applause" Pinalitan na pala nila ang surname ko nung dun na ko tumira. Sinimulan ko nang lakadin ang mahabang stage. Nakangiti ako, ngunit sa looban ko ay ako'y sobrang nalulungkot. Sana andito si ate ngayun upang siya ang mag lagay ng medalya ko..

Nang mahawakan ko ang diploma at maisuot sakin ng principal ang medalya ay dun ko napagtanto na kolehiyo na ako, tapos na ang buhay hayskul ko. Panibagong simula nanaman.

Nang matapos na ako sa monologo ay agad akong sinunggaban ng yakap ng kambal. Sa apat na taon na dumaan sa buhay ko ay sila ang aking nakasama kaya naman todo pasasalamat ako sakanila.

"Congratulation sa ating tatlo! Wohoooo! Inuman na!" Sigaw ni Nath na nagpatawa sa aming dalawa ni Tacha.

..........

"Kambs, Dessa, may nagbigay ng letter satin oh" Umupo si Nath sa couch kaya umupo din kami sa tabi niya upang maki usosyo sa kung ano man ang laman ng sulat na iyan.

Rigger Academy,

We hope to see you in class next month, hope you have a great day.

-Nastacha Martin
-Nathalie Martin
-Desserey Martin

Agad akong napahawak sa bibig ng mabasa ko ang sulat. Ang Rigger Academy, ang eskwelahan kung saan maraming mamamatay tao. Hindi ako makakapayag na diyan kami sa eskwelahang iyan papasok.

"Sinong nag pasok saatin diyan sa eskwelahan na iyan?" Tanong ko sa kambal. Napailing lamang sila na mukhang nag tataka din. Bakit ganito?. Ano bang nangyayari. "Hindi ko alam pero sa tingin ko ito nalang ang mapapasukan nating eskwelahan dahil hindi na tumatanggap ng estudyante ang mga napag tanungan namin" saad ni Tacha.

"Hindi ako makakapayag na diyan tayo pumasok sa kolehiyo, mamamatay tao ang mga nag aaral diyan. Ayoko! Ayoko!" At nag tatakbo ako papunta sa aking kwarto. Kung walang nag pasok saamin sa eskwelahang iyan, paano nila kami natunton? Pano nila nalaman ang pangalan namin? Ano bang meron sila? Bakit namamatay lahat ng pumapasok sa eskwelahan na yun.?

Ang dami 'kong katanungan na hindi masagot sagot. Mababaliw na yata ako.

"Dessa, Dessa pagbuksan mo kami ng pinto. Please." May narinig akong maraming katok sa aking pintuan at ang ingay nila Nath na papasukin ko daw sila sa loob ng kwarto ko, kaya naman ay pinag buksan ko sila dahil hindi ko sila kailan man matitiis.

May dala silang tubig para sa'akin. Alam na alam na talaga nila na iiyak ako. "Dessa, ano bang nangyari? Bakit...bakit ganito ang turan mo sa Rigger Academy?" Napapikit ako ng kumirot ang puso ko nang maalala ko ang nanguari sa nakaraan. Siguro ngayun na ang tamang oras para sabihin ko sakanila ito.

"Si papa tsaka si mama, magmula ng pumasok sila sa eskwelahang iyan ay hindi na sila nakabalik, hanggang sa may dumating saaming letra ng ate ko na patay na daw sila. Sumunod naman ang ate ko, nung araw na pumunta ako dito ay siya ding pagpasok ni Ate sa Rigger Academy sa hindi malamang dahilan. Hanggang ngayun ay hindi parin ako nawawalan ng pag asa na buhay pa si ate dahil malakas ang kutob ko, tsaka ang sabi niya ay....babalikan pa niya ako."

Napaluha ako sa aking huling sinabi. Sa apat na taon, pinang hahawakan ko pa ang sinabi niya sakin na babalikan niya ako. Hinding hindi ko iyon makakalimutan. Nangako siya, at kahit kailan hindi siya pumutol o sumira ng isang pangako.

"Pasensya na Dessa, pero wala tayong mapapasukan na paaralan kung hindi natin tatanggapin ang permiso nila"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rigger AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon