Chapter 4

3 0 0
                                        

Napatagal ang kwentuhan namin ni kuya Joseff. Para siyang boy version ni ate. Naalala ko nanaman tuloy si ate, kaya bigla akong napasimangot. Miss ko na talaga siya. Mukhang nahalata naman agad ito ni Kuya joseff. Ang isa pang nagustuhan 'ko sakanya ay mabilis siyang makahalata ng mga bagay bagay.

"Oh, Dessa? May problema ba?" Napailing ako pero nanatili akong nakasimangot. Ano bayan, bakit hindi ko magawang ngumiti. "Alam 'kong may problema ka Dessa, pwede akong makinig." Umiling uling lang ako kaya itinigil nalang ni kuya Joseff ang pangungulit sakin.

Maya't maya pa ay nakarating na kami sa aming destinasyon. Ngunit mas nauna akong bumaba kay kuya Joseff. Medyo malayo pa daw kasi ang tirahan niya. Ibinigay niya naman sakin ang address niya at contact no. ngunit hindi ko talaga maibigay ang akin.

Sinimulan 'ko ng sumakay sa tinatawag nilang 'jeep'. Sikipan pero okay naman. Ito ang unang beses na makikihalubilo ako sa mga tao na walang umaagapay sakin, na wala ang ate ko.

Nakarating na ako sa sinabing address ni ate. Dinoble ko pa nga kung ito ba talaga iyon, pero napag tanto kong ito nga iyon. Nakakamangha, mas malaki pa ito ng dalawang beses kesa sa bahay namin sa siyudad. Mukhang makaluma ang disenyo ng bahay ngunit maaliwalas parin, medyo nakakatakot nga lang.

Pinindot ko ang doorbell at agad naman may lumapit saking isang katulong. "Madame Sanchia, andito na po pala kayo, halika po't pumasok" Nagtaka ako dahil nakilala agad ako ng guwardiya bagamat ngayun lang kami nagkita. "Ikaw lang po kasi ang inaasahang bibisita ngayung araw. Kaya po nakilala kita agad" napatango tango ako. Ganun na ba kadali mabasa ang emosyon ko? Hay.

Inapak ko ang aking mga paa sa kumikinang na marble sa sahig ng mansyon. Grabe! Para akong nasa isang hotel sa laki nito. Makaluma pero napaka ayos. Halatang malinis ang pamilya na tumitira dito.

"Madame Sanchia, Ang laki mo na po pala. Halika po't maupo ka muna at ipaghahanda kita ng miryenda" pinaupo niya ako sa upuan nilang napaka lambot. Kulang nalang ay lumubog ako.

Nang maramdaman kong may taong pababa ng malaking hagdan ay agad akong nag ayos ng upo. Tinignan 'ko ang babaeng pababa ng hagdan at binungaran niya ako ng isang napakalawak na ngiti.

"Madame Sanchia? I mean ... Miss Sanchia?" Napatango ako ng nakangiti. Sa tingin ko ay kaedad ko lamang ito. Siya na siguro ang anak ng kaibigan nila Mama. Napatayo agad ako at nag bow bilang paggalang. Hindi pa nakaka angat ang ulo ko ng maramdaman ko ang kamay niya sa katawan ko na pinipiglan ang pag yuko ko. Napaka bilis niya, imposible.

"Hindi na kailangan Miss Sanchia. Mag kaedad lamang naman tayo." At sabay na kaming umupo sa malambot nilang upuan. Magkaharap na kami ngayun. "Ako nga pala si Nastacha Martin" at naglahad siya ng kamay sakin. Napaka pormal pala ng pamilyang ito. "Desserey Sanchia. Dessa nalang." At naglahad din ako ng kamay sakaniya.

Bigla bigla kaming nakarinig ng kalabog mula sa ikalawang palapag nila at nakita namin ang paggulong pababa ng isa pang babae na sa tingin ko ay kambal ni Nastacha. Nakakamangha, kambal pala ang anak nila Mr,Mrs. Martin.

Tatayo na sana ako upang tulungan ang kambal ni Nastacha ng pigilan ako nito. "Hayaan mo siya Dessa, kaya niya ang sarili niya." Napatingin ako sa direksyon ng babae ngunit nakatayo na ito na parang walang nangyari. Papaanong--ang taas nang pangalawang palapag!

Prente lang siyang naglakad papunta saamin at naupo sa tabi ko at agad niya akong niyakap na siyang ikinagulat ko. Pinigilan naman siya agad ni Nastacha bago pa man ako hindi makahinga.

"Pasensya na Kambs. Ngayun kasi lamang ako ulit nakakita ng bisita kaya't naexcite agad ako." Napailing iling nalang si Nastacha. Kahit kambal ang dalawang to ay mahahalata mo parin ang pinag kaiba nila ayon sa kulay ng kanilang mga mata. Kay Tacha ay brown at sa kambal niya naman ay pure black. Ang gaganda.

"Pasensya na Dessa, alam ko ang pangalan mo kasi narinig ko sa taas, wag ka nang mag taka. Pasensya ulit, ako si Nathalia Martin. Nath . Nice meeting you" Napatawa ako ng bahagya sa inasal ni Nath.

Rigger AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon