Chapter 3

4 1 0
                                        

"Pasensya na bunso. Kailangan kong gawin ito. Sa Batanggas, dun ka muna kasama ang mga anak ng kaibigan nila Mama. Ilalayo kita dito. Patawarin mo sana ako, babalikan kita Bunso, pangako iyan." At tuluyan na ngang umalis ang sasakyan na puti kung saan nandun ang ate ko.

Parang kanina lang, masaya pa ang kaarawan ko. Parang kanina lang, nasa piling ko pa si ate, Parang kanina kang nakangiti pa ako. At tapos na ang lahat ng iyon.

Umuwi ako sa bahay ng nanlulumo. Dirediretso ako sa kwarto ko at dun ko iniiyak ang lahat lahat. Nang maginhawaan ay nagluto na ako ng kakainin ko sa gabi. Sobrang tahimik ng bahay...nakakapanibago.

Napailing iling ako. Sabi ko kanina sa sarili 'ko na hinding hindi na ako iiyak, na magiging matatag na ako. Dahil pang hahawakan ko yung sinabi sakin ni ate na babalikan niya ako, Nangako siya.

Habang nag mumuni muni sa kwarto ko ay naisip ko yung sinabi ni ate kanina. Sa Batanggas, dun daw muna ako. Pero--papaano? Tsaka hindi ko kilala yung sinasabi niya na mga anak ng kaibigan ni Mama. Ano nang gagawin ko? Gulong gulo na ako.

Naisip 'kong libutin ang pangatlong palapag ng bahay. Sinasabi ni ate sakin na wag ko daw itong pupuntahan...pero andito ako ngayun, nakatayo sa ikatlong palapag ng bahay.

Sinimulan kong tahakin ang hallway papunta sa kwarto nila Mama. Hindi na ako nag alinlangan na buksan pa ito. Nabungaran ko ang isang malinis na malinis na kwarto. Mas malinis pa yata ito sa kwarto 'ko sa pangalawang palapag, kasama ang kwarto ni ate.

Wala pa ring nababawas na kagamitan dito. Mula sa mga alahas ni Mama hanggang sa mga medyas ni Papa. Naalala ko noon, na simpleng pamilya lang ang meron kami. Hanggang sa dumating ang Tinatawag nilang 'Rigger Academy'.

May nakita ako papel na nakalagay sa ibabaw ng kama nila Mama. Agad ko itong kinuha at naupo sa lapag. Ayaw kong magusot o madumihan man lang ang kama nila Mama. Binuklat ko ito kahit hindi ako sigurado kung para saan nga ba ito. At nang may makita akong bunso ay alam ko agad na ito ay para saakin.

Bunso,

Pasensya na kung hindi ako nakapag paliwanag at nakapag paalam ng husto sa iyo. Pasensya na. Sana mapatawad mo pa ako. Babalikan naman kita bunso eh, wag nang iiyak ha? Miss na kita. Dun pala sa Batanggas, bunso. Duon ka muna, sa bahay ng anak ng kaibigan nila Mama. Hayaan mo, nasabihan ko naman na sila at pwede naman sakanila. Eto ang address ************************. May pera dyaan sa ilalim ng kama kung saan ka nakatapat. Alam ko namang makulit ka at aakyat at aakyat ka parin dyaan sa taas kaya naisipan kong dito na ito ilagay.

Pasensya na talaga bunso, sa murang edad mo, nahihirapan ka na sa ganito. Patawarin mo sana ako. Babalikan kita. Bunso.

Ate,

Agad kong tinignan ang ilalim ng kama nila Mama. At hindi nga ako nabigo, may isang malaking bag duon na punong puno ng tig iisang libo. Saan kinuha ito ni ate? Gulong gulo na talaga ako.

.....................

"Nasugbo, Batanggas! Nasugbo, batanggas, aalis na! Aalis na!" Rinig 'kong sigaw ng kundoktor sa harapan ng bus at maya maya lang ay naramdaman 'kong gumagalaw na ito. Eto na nga iyon, lilisanin 'ko na talaga ang mundong kinalakihan ko.

Nagising ako ng maramdamang may naupo sa katabing upuan 'ko. Isa siyang lalake. Nung una ay medyo kinabahan pa ako dahil napaka laki nya, pero ng ngitian niya ako ay agad din itong napawi.

"Natakot ba kita, Miss?" Napatango agad ako sa sinabi niya dahil totoo naman. Napaka laki niya ngunit may itsura parin naman. Tantsya ko'y nasa 20 taong gulang palamang ito. Pero matipuno na.

"Pasensya na Miss. Ganiyan talaga ang unang tingin ng mga tao sakin, ngunit mabait naman ako." Nginitian niya ako kaya naman ay nginitian 'ko rin siya. "Ako nga pala si Joseff Tamayo, at ikaw?"

Napaiwas ako ng tingin at dali daling napatingin sa bintana. Tinuro kasi sakin ni ate na wag kong sasabihin ang pangalan 'ko sa ibang tao. Kung gusto ko man daw ay wag ang buong pangalan. Nalungkot naman ako ng makita 'kong napasimangot si kuya. Nakakahiya pala ang ginawa 'ko.

"Dessa" Napatingin si kuya Joseff saakin. At biglang lumawak ang ngiti niya. :)

Rigger AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon