"Maligayang kaarawan sa aming bunso! Mabuhay!" Napatingin ako sa paligid 'ko. Andito ang mga kaibigan ko, mga kapitbahay at sila Auntie. Agad agad akong napapunas ng mga mata at bibig at baka kasi mayroon pa akong morning sunshine, na agad naman na ikinatawa nila.
"Maligayang kaarawan bunso. Ngayung labing tatlong taon ka na, ano ang iyong kahilingan?" Saad ni ate pagkalapit nya sakin dala ang cake. Nag isip naman ako ng kahilingan ko at ng may maisip na ito ay agad ko itong sinabi sa diyos na hari at hinipan ko na din ang kandila. Nag sigawan naman ang mga tao sa paligid ko.
"Tara na sa handaan!" Sigaw ni ate. Napangiti ako. Kahit kailan talaga.
.............
"Napakaganda naman pala talaga ng bunso 'ko. Maligayang kaarawan" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. "Salamat ate. Salamat sa lahat" at tsaka ko siya niyakap ng pagka higpit higpit.
"Bunso. May importante sana akong sasabihin." Tinignan ko ang itsura nya at seryoso ito. Hindi ko tuloy maiwasan na kabahan. "A-ano po yun ate?" Napabuntong hininga siya. Sa tingin ko nga'y napaka importante talaga nito dahil kahit anong bukas ng bunganga nya ay hindi nya parin ito masabi sabi sakin.
"Kailangan 'kong mag aral ng kolehiyo sa Rigger Academy" Napabuka ng bahagya ang bibig ko dahil sa pagkagulat. Ang Rigger...Dun namatay si Papa. Sumunod naman ay si Mama dahil naatasan daw siyang mag turo sa mga bata doon...sa Rigger Academy din. At ngayun si Ate...
Ano bang meron sa Rigger Academy at namamatay lahat ng pumupunta duon? Sana wag naman si ate. Sa isip palang ay naiiyak na ako, hindi ko kakayanin.
Kaya bigla nalang akong napaluha at nangatnog ang tuhod ko kaya kailangan akong alalayan ni ate at ipaupo sa upuan. "Pasensya na bunso, dahil pagkatapos ng kaarawan mo ay kailangan ko ng umalis. Masakit pero ito ang katotohanan. Kailangan nalang nating tanggapin, bunso."
Napaiyak ulit ako. Wala na akong pakielam kung nakatingin na silang lahat sakin ngayun. Ang kailangan ko lang ay si Ate...hindi ko kakayanin na mawala siya sa piling ko. Hindi!
Niyakap ko agad si ate ng mahigpit. Yung tipong hindi na siya makakawala. Ayoko na kasi may mawala pang isang pamilya ko sakin. Si ate na nga lang ang natitira sakin, kukunin pa nila. Hindi ako makakapayag.
Buong magdamag na nakabantay ako kay ate. Ni umihi, ay hindi ko magawa. Kasi ayokong mawala sya sakin. At nang matapos ang kaarawan ko ay naging mas todo ang pagbabantay ko sakanya, na ni anino ay hindi nakakalagpas. Buti nalang at nagsusuot na ako ng contact lense ngayun. Yun kasi ang payo ni ate sakin..
Si ate! Sa sobrang lalim ng pag iisip ko ay nakalimutan ko si ate. Hinanap ko siya sa taas ng bahay ngunit wala na siya. Tinanong ko sa mga nag sisialisang bisita pero wala na daw siya. At nang mawalan na ako ng pag asa ay napaupo nalang ako sa pool sa likuran ng bahay namin.
Sisimulan ko na sanang umiyak nang may makita akong puting kotse sa kalayuan, nakita ko din na papasok na si ate dun dala ang bagahe niya...ng bigla ko siyang tinawag.
"Ate!" Napalingon si ate sakin pati narin ang mga lalaking nakaputi. Mga nakakatakot ang itsura nila. May nakapatch din na 'Rigger Academy' sa mga balikat nila kaya alam 'kong ang mga Rigger na nga ang mga ito.
"Kilala mo po ba ang isang iyan Madame Sanchia?" Tanong ng isang lakaki na nasa kanan ni ate. Napatingin ako kay ate ng naluluha na pero siya ay seryoso parin ang itsura.
Agad napailing si ate ng walang pag aalinlangan. Anong nangyayari dito? Bakit itinatanggi niya na kapatid nya ako?. "Hindi ko kilala ang babaeng iyan." At napaluha na ako sa sinabi niya. Bakit....bakit ganito si ate?
"Ate! Mga kuya! Ate ko po siya! Siya po ang nag iisang ate ko! Kapatid nya po ako! Hindi...hindi nyo po siya pwedeng kunin! May mga pangarap pa po kami sa buhay!"
Pero parang walang narinig si ate at tuloy tuloy na siyang naupo sa sasakyan. B-bakit?. Papasok na sana ang dalawang taga Rigger nang tawagin ako ni ate papalapit sakanya. Umaangal pa nga ang isang taga Rigger pero ng tignan ito ni ate ay agad nya itong napasunod. Anong nangyayari?
