Unang tulang isinulat ko para sa iyo.
'Magkalayong puso'
Magkalayong puso,
'yan siguro yung tamang pamagat sa istoryang sinimulan ko.
Sa istoryang mag isa kong binuo na sa tingin ko'y istoryang mag isa kong isasarado.Hindi ko alam kung paano nagsimula,
Hindi ko alam kung paano lumala,
Basta ang alam ko nalang na mahal na kita kahit na ang puso ko'y iyong binabalewala.Naalala ko pa yung mga panahong nakakausap pa kita,
Yung mga panahong nagkukulitan pa tayong dalawa,
At yung mga panahong nalalapitan pa kita.Bakit?
Bakit ganun?
Kung minsan isang metro lang ang ating layo pero ang ating puso hindi magkatagpo?Di ako nawalan ng pag asa,
Di ako tumigil ipadama sayo na mahal kita,
Kahit ilang beses mo ring sinabi saking may mahal ka nang iba.Walang oras na hindi kita kinakamusta.
Walang panahon na hindi kita iniisip,
Walang araw ang lumipas na hindi kita namimiss.Ganun na lang ang naging epekto mo sakin
Na hanggang ngayon nandito ka pa rin sa puso ko
At yung pagmamahal ko hindi pa din nagbabago.O mahal ko,
Ilang taon na nga ba ang lumipas?
Hanggang ngayon ang nararamdaman ko sayo ay wala pa ring kupas.Mabibigyan kaya ng pagkakataon ang ating puso?
Na kahit isang beses man lang ay magkatagpo?
O iiwan na lang ba akong ganito? Umaasa na mahalin mo?Gusto ko mang sumuko na lamang,
Pero itong puso ko, walang pa kundangan.
Pilit kang ipinaglalaban kahit na alam niyang wala ka namang pakielam.